Monday, December 2, 2013

ZzZzZzZz



Habang ikaw ay natutulog,
Ako naman ay nagising
At naupo sa may bintana
At nakisama sa iyong paghimbing
Ang sarap mong lambingin
Lalo na't madilim dilim
Habang ika'y natutulog
Inaantok ang umaga,
Ayaw bumangon tinatmad
Ikaw naman ay nananaginip
Sa mga ulap ay lumilipad-lipad
Saang langit napadpad
Nais kong sumabay habang ika'y natutulog
Kaibigan, kasama, kahati, kabiyak
Sa luha't halakhak
Kapiling, ka..... (lol rated PG lang?)
Umaga na mahal sa silid ng pag-ibig ko
Tahanan, silungan, supling na kapatid
Kaakbay at karamay sa buhay
Umaga na mahal sa silid ng pag-ibig ko

=========

Minsan lang akong kiligin sa kanta. At itong kantang 'to, nagawa niya ang misyon niya. Tinalo niya ang Gising Na ng Parokya Ni Edgar (oo, fan ako ng PNE..)
Naku, makilala lang "KITA" tatadtarin kita ng kantang 'to. Hahaha! :)

No comments:

Post a Comment