Sunday, December 1, 2013

Weirdo Daw Ako

 "Nakikinita ko na ang future mo, naka-dreadlocks ka, may tattoo ka, may butas kang malaki sa tenga tapos nasa Boracay ka, nag tatattoo..."


Weirdo daw ako sabi ng nanay ko. (Ang ganda ng intro noh? Amps. Bully moments ni Inay.... Amps!!! Natatawa ako, si dearest ate kasi, nandito sa Baguio, at habang nag ttype ako, kumatok siya ng mahina sa bintana ko, paglingon ko, natakot ako. amps. Lesson learned: Isara ang kurtina kapag gabi na.)

Weirdo daw ako kasi...
- Kung ano-anong tali daw 'yung nilalagay ko sa katawan ko.
- Kung ano-anong bagay daw 'yung nilalagay ko sa buhok ko. (Nakita niya 'yung beads sa dreads ko. haha)
- Bakit daw fan ako ng Parokya Ni Edgar? Bakit daw ang hilig ko sa mga banda.
- Bakit daw ang weirdo ng mga pinapakinggan kong mga kanta.
- Bakit daw ayaw kong mag skirt, mag blouse, mag doll shoes, puro t-shirt, pants at rubber shoes nalang ako.
- Bakit ko daw dinrowingan 'yung cabinet ko, piniturahan 'yung side table ko.
- "Kababae mong tao, gusto mong mag-skateboard? Tibo ka ba anak?"
- 'Yung mga prinsipyo ko daw. Hahaha! Amps.
- Ma! Ang ganda kaya sa Oh My Gulay!

Madami pang sinasabi si Mama, kaso, hindi ko lang maalala 'yung iba. Natatawa nalang ako sa mga side comments niya. Hahahaha! Iba kasi si mama eh, at siguro nagtataka siya kung bakit ako ganito? Hindi naman pariwara, hindi lang kasi siguro siya sanay? Kasi, hindi ko siya katulad? Kasi, magkaiba kami ng mga pananaw sa buhay? (Baka sa side ni papa ko nakuha? Bwahahahaha! Ang daming mystery sa side ni papa, nalaman ko na ang roots pala nila ay galing ng Visayas. Wow. Ang daming possibilities! Hahaha!)

Pero sa huli, what matters most is, kung paano ka nabuhay. Ni-Glorify mo ba si God or hindi? Pinili mo bang sumunod sa kanya or hindi? Ganun 'yun.

No comments:

Post a Comment