Dahil Christmas nanaman, uso ang..... EXCHANGE GIFT!!! hurray!!! hahahaha!
At dahil dalawang tao na 'yung nagbibigay sa akin ng regalo, napilitan akong mag... reminisce!!!!! hurray!!!
Grade One - Memory Game ang natanggap kong gift. Mayaman kasi 'yung nakabunot sa akin. Meron pa rin siya dito sa bahay namin. Ipapamana ko 'yan sa anak ko. lols
Grade Two - Stencil stuff. Nakatago ata sa may drawer ko? Ewan ko, tinatamad akong halungkatin, mamaya may ipis na bumulaga sa akin. Pero, natuwa ako sa gift na 'to. Rich kid kasi ulit 'yung nakabunot sa akin eh. lol
Grade Three - Mejo sumama 'yung loob ko kasi, bestfriend ko 'yung nakabunot sa akin. So siyempre, assume assume din kapag may time. Tapos nang nandiyan na, abutan na ng gift... Parang ganito 'yung monologue ko... "Bestfriend... Picture frame talaga??? Picture.... Frame..." Naiiyak ako ng mga oras na 'yan...
Grade Four - Sa akin 'yung pinakamalaking gift, so natuwa naman ako ng wagas, ano 'to? Stuffed Toy??/ <3 Tas pagbukas ko foam. Oo, foam na higante. Na napakahirap iuwi. Lahat ng taong madaanan ko, tinititigan ako.
Grade Five - Blouse at Pants. Hindi talaga dapat sa akin 'yun. Dapat sa bestprend ko 'yun. Eh saktong absent si bestprend, at absent 'yung nakabunot sa akin. Oo, usong umambsent ng Christmas party niyo. </3
Grade Six - MUG. Walang sawang MUG. Mug na galing sa Blue Magic kung saan inangkin pa ng nakabunot sa akin ang teddy bear na kasama nito. Oo, pumunta ako ng Blue Magic para i-prove ang point ko. lol
1st Year High School - Wall Clock. I have no words to say.
2nd Year High School - T-shirt na malaki sa akin, color pink at pang kikay. No comment ulit
3rd Year High School - ITO! THE BEST! C.D ng PAROKYA NI EDGAR! WOOOOO!! ILABYOU Arriane!!! hahahahaha! Matira Matibay 'yun dude. Sobrang saya ko lang ng mga oras na 'yun.
4th Year High School - Teacher nakabunot sa akin eh. Kaya ayun, violet na kikay shoulder bag. Kaso binigay ko na 'yun sa church nung nag ano.. basta fund raising. HINDI KO NAMAN KASI GINAGAMIT EH. Ay, ginamit ko pala ONCE. At pakiramadam ko........... basta...
Tapos ayun na.. wala na nung college! Hahahahaha... At natuwa ako nung sinabi nung kaibigan ko na bunutan daw kaming apat... :D
Hindi naman ako nagrereklamo noh. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil, pinagpala ako ng ganyang experience. Sharing lamang ito. Reminiscing the past.... Noong bata pa ako.... lol
No comments:
Post a Comment