Saturday, December 14, 2013

BATA

Pagsakay ko sa jeep, may dalawang batang babae akong kaharap... Siguro grade 1 or 2. Tinitigan ako ng wagas, tapos bumulong 'yung isa sa katabi niya, tapos nakangiti.... Tapos, na conscious na ako.... Reality hit me... Pinag chi-chismisan ako ng dalawang bata... ANONG GINAWA KO SA INYO???? T____T Napaka akward ng mga sandaling iyon... (Sandaling iyon = hanggang sa oras na bumaba sila)

Nagsesenti pa kasi ako noon, nung may nakita akong skater na babae, tapos biglang nawala 'yung senti moments ko nung, nag chismisan na 'yung dalawang bata sa harap ko...

Napaisip tuloy ako:
1. Naastigan ba sa akin 'tong mga 'to?
2. Nakita ba nila akong bangag?
3. Nakita ba nila akong may kalandian? <--- HUY! JOKE LANG 'YAN!
4. Nakita ba nila akong wala sa sarili?
5. May ginawa ba akong kasalanan sa kanila?

So inisip ko nalang na number 1 'yung sagot... Tapos napaisip ng imaginary conversation...

Bata 1: Uy, nakikita mo ba 'yung kaharap ko?
Bata 2: Oo, malamang, hindi ako bulag teh..

Tinitigan KO SILA, dahil, na co-conscious na talaga ako ng sobra-sobra..

B1: Haha! Sabi ko nga.. Grabe, ang astig ni ate!
B2: Hahaha, oo nga eh! Ang ganda pa niya...
B1: Oo nga! Tama ka! Grabe, gusto kong maging tulad niya paglaki ko..
B2: AKO RIN!

Ayun... T____T Si Raisa na 19 years old, binubully ng 6 or 7 years old... T____T lol

No comments:

Post a Comment