Monday, December 2, 2013

BOTANICAL GARDEN

[Gusto kong sumigaw ng mga oras na 'yun tapos yakapin silang lahat (kaso ang awkward noon) kasi ang saya saya ko, pero, sila poker face lang. -.- Guuuuuys! Hindi ba kayo natutuwaaaaaa??????]

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasa Botanical Garden pala mismo ang office ng NEDA.

Oo, nagpaiwan talaga ako sa labas para 'yung dalawa kong ka-group (lima kami) 'yung mag-interview para ako, pwede akong magliwaliw. Niyayaya ko 'yung dalawa kong ka-group na magliwaliw kaso nitatamad sila. T___T So ayun, nagliwaliw akong mag-isa sa botanical garden at ang awkward ng mga pangyayari dahil puro mag-shotang naglalampungan ang nakikita ko. (at nakikita din nila ako, at nagtititigan kami. hahaha)

Tapos ayun, hindi rin nagtagal, bumalik na rin ako sa NEDA, ang KJ naman kasi nila. Ako ang saya-saya ko tas silang dalawa.. meh.. wala lang.. Niyayaya ko sila doon sa man made cave, para magkaalaman na kung sino ang bading kaso wala eh... T___T </3 At ayun tuloy, napa senti ako ng di oras habang nakaupo kami sa gitna ng katahimikan. Actually naputol pa 'yung senti moments ko noong inasar na ako ni groupmate. Pero ayun...

Senti Moments:

Grade 3 ako noong una akong nakatapak sa Botanical Garden. Nag field trip ata kami? Hahaha! Pumunta kami doon kasi... I forgot the reason na (tinatamad atang magturo 'yung adviser namin? hahaha! joke lang, naalala ko bigla, may pagka-unique din pala si ma'am. Isa siyang vegetarian, at oo tama, iba nga si ma'am. hahahaha!), pero una naming pinuntahan, 'yung mga taong nag jajamming sa stage, tipong Joey Ayala at Ang Bagong Lumad 'yung dating nila. Tapos pagkatapos nilang mag perform, kinausap ni adviser 'yung babaeng bokalista, 'yun pala, studyante siya ni ma'am noon! Huwaw! Wala lang, naastigan lang ako kay ate ng sobra-sobra. Tapooooos, pinabayaan na kaming magliwaliw ni ma'am doon, pero ayun, dapat may reaction paper kang isusulat, pero masaya pa rin kasi pwede kang magliwaliw. Alam mo ba? Sobra akong natuwa sa mga nakita ko. Doon sa mga art na naka-display doon. Sobrang saya ko ng mga araw na 'yun. Ibang lugar kasi eh, panibagong environment. Tapos, ang saya kasi, mejo mabato pa doon noon, so kunwari hiking. Ang saya ko kasi, walang Inay na mangsisita sa akin kung madapa ako, kung madumihan ako, yes! Freedom! Hahahaha! Kaya ako, kapag nagka-anak (chos) hahayaan ko lang siyang mag explore ng mga bagay-bagay. Para naman matuto siya. Para naman hindi siya takot sa mundo. Para hindi siya takot masugatan, madapa at masaktan. Para hindi siya takot sa butterfly, spider, lizard, worms at madami pang bagay na kinakatakutan ko. Hahahahaha! At siyempre, kapag tinuturuan mo na siya ng mga bagay-bagay sa paligid, tatanungin mo "Sinong gumawa niyan?" tapos sasabihin mo dapat "Si God 'yung gumawa niyan, ang galing Niya diba? :) "

End ng Senti Moments


Ayun nga, natapos ng di oras ang senti moment ko nang mang-asar 'yung ka-group ko. Tumayo ako tapos pumunta kami sa may mejo entrance. Ayun, tunganga mode, mejo picture sa kapaligiran. Tapos bumaba ako, bumaba din sila, tapos tumaas na kami. NAPAKA TAMAD KASI NILANG MAGLAKAD! Tapos naghintay ulit (mga 30 minutes), tapos, tapos ng mag-interview 'yung dalawa kong ka-group, tapos, umuwi na kami. Ang sakit sa loob kasi.... Hindi kami pumasok sa man made cave. Hahahaha!

No comments:

Post a Comment