"Manong, bayad"
Napatingin ako kay kuya nang di oras. Napatitig pa ako sa kanya. Siguro na weirduhan siya ng mga sandaling 'yon. Pero.
"Dalawang Kias, isang studyante, isang regular."
Ayun, napatingin nanaman ako sa kanya.
"Joey Ayala? Ikaw ba 'yan?" lols..
Oo, kaboses talaga niya si Joey Ayala.... As in... Wahahahaha! Namangha ako masyado sa narinig ko. Amps, si Joey Ayala, kasabay ko sa jeep. Hahahaha! Kung makapal lang muka ko, papakantahin ko si manong. Kaso, asa naman na magagawa ko 'yun.. Hahahaha!
=============
Speaking of Joey Ayala, nirerespeto ko ang reaksyon ng mga tao sa paligid ko tungkol sa mga song choices ko. Hahahahaha! Alam kong nagiging mabait lang sila sa akin kaya sabi nila "magaling daw siya", "classic" (MAGALING NAMAN SIYA AH! TSSSSS.. San ka pa? Napagkonek niya ang comparison ng rainbow, sa pagkakaiba nating mga Pinoy. Wahahahahaha!)
Kanya-kanya kasi tayo ng trip sa buhay. Walang basagan. For example, kung gusto mo ng "kantong rap, na may chorus na kinakanta ng babae", sige, nirerespeto ko 'yan. Kung gusto mo ng K-Pop, sigey, keribels lang. Kung gusto mo ng Justin Bieber? No comment, hindi nalang ako magsasalita, para walang masaktan at hindi tayo magkapersonalan. Pero sana, 'wag nating kalimutang tangkilikin ang sariling atin. :) Pero kung satanista na 'yang kinakanta mo, eh, diyan tayo magkakaproblema. Mag-uusap tayo ng masinsinan, OO, MASINSINAN, dahil may problema ka... Wala akong pake kung umabot tayo ng ilang oras sa pag-uusap. Mkay? Okay. APIR!
No comments:
Post a Comment