Thursday, December 5, 2013

My Chocolatey.. Chocolateey.. Choco-laytee..... KOPI PART 3!

Hindi po "kumpleto" ang araw ni Raisa kapag hindi siya nakakainom neeeeetooooo... Masaya na akong nilalang kapag may nagregalo sa akin ng one week supply ng ganito sa birthday kooooo.. (Oh, one week supply lang hah, hindi one year, :p)


So malamang, kapag ganyan 'yung intro ko, umasa ka na, na, IT'S FLASHBACK TIME! lols

Nang maging first year college ako, araw-araw akong umiinom ng Chuckie. Deprived kasi ako noong bata ako sa Chuckie, ang "mahal" daw kasi kaya bihira lang akong nakakainom niyan. Eh ayun nag-college, natuwa masyado, inaraw-araw. Hahahaha! 

Noong unang panahon, mga isang milyong taon na ang nakalipas, may isang nilalang na binibigyan ako ng chuckie kapag magkikita kami, tapos sabay kaming umiinom nun. Lols. Kahit na ayaw niya sa chocolate (strawberry kasi 'yung favorite niya... tssss.. bading talaga 'yun), no choice siya. Bwahahaha! >:) Hindi ako kinikilig, grabeeeeeh, for the sake lang na maikwento ang history of Chuckie, my chocolatey(tama ba spelling?) buddy.

Eh ayun, nalipasan na ng panahon at dumating ang mga pangyayari sa ating buhay, hindi na ako umiinom ng Chuckie. Mahal na eh, 30 pesos na </3. Hahahaha! (Teka, mas mahal pala 'to? 38 pesos sa 7-eleven.....)


At ayun, Nescafe.. Mocha flavor, kapalit ni Chuckie.. ^__^

No comments:

Post a Comment