Wednesday, December 11, 2013

Legolas my lalabs

Showing na bukas ang, (dramatic pause), The Hobbit: The Desolation of Smaug. Oh My Gee!! Like sobrang tagal kong nag-wait dito!!!!! Gusto kong panuorin kasi, titignan ko kung, na-meet ba niya 'yung expectations ko habang binabasa ko 'yung libro. (So, malamang oo!!) At para tignan 'yung mga eksena na, hindi kayang i-process ng utak ko. Hahahaha! Duh, at syempre, makikita ko nanaman si... (dramatic pause), Legolas <3. Bwahahaha!

Grade 4 ako noon ng maipalabas ang Lord Of The Rings: The Return of the King. Hindi ko pa naman talaga crush si Legolas ng mga panahon na 'yon. 'Yung dearest ate ko 'yung may crush sa kanya. Pinabili niy ako ng t-shirt na Legolas sa SM. At kinabukasan, sinuot ko 'yun agad-agad. May practice kami ng Street Dancing, so malamang, madaming tao, at tama ka, pinagkaguluhan nila 'yung t-shirt ko. Hahahaha! Ang awkward noon, feeling ko na molestya ako. T___T Hahahahaha!

At nang pinanuod ko muli ang LOTR noon, ilang taon na ang nakalipas. At oo nga, na realize ko. Ka-pogi naman nitong Legolas na 'to!!! Wahahahaha! :p Iba na ang long hair. Lol joke! Hahahahaha!

'Yang t-shirt ko, hindi ko 'yan ipapamigay. Ipapamana ko pa 'yan sa mga nakakabatang henerasyon. Bwahahaha! Family heir loom na 'yan. Galing sa ninuno nilang baliw.

KASO, birthday ni dearest inay bukas..... Sooooo... Sinong mas pipiliin ko... Si inay? Or si The Hobbit...

"Ma! Tara nuod tayo ng The Hobbit! :D"
"Ayoko ng Lord Of The Rings"

</3

No comments:

Post a Comment