Thursday, January 9, 2014

It's been a while..

Sus, kung maka title...
Pero sige, patulan. It's been a while (naks, ayaw tantanan eh) nang maapakan kita. Kelan na pala ulit 'yun? Sembreak ba? Wait, aalalahanin ko lang. Oo, sembreak nga (ata). Nasa may Makati pa tayo noon, at muntanga lang ako ng mga oras na 'yun. Dinala kita sa may boni high street, at na shock ako, kadami rin palang gumagamit sa mga kauri mo. Napa-upo nalang ako sa isang tabi at napatitig sa mga kauri ko na ginagamit 'yung mga kauri mo. Tinabihan ako nung ate ko. Tinanong niya ako. "Oh, bakit hindi mo gamitin 'yan?" Sabi ko, "Wait lang, nakikiramdam pa ako." Tapos, mukang tinubuan na ako ng hiya, biglang may humiram sa 'yo. "Ate, pahiram muna saglit hah." Si kuya na naka ear tunnel, na may kasamang commentator, dahil lahat ng ginagawa niya, may comment. At hindi rin nagtagal, sinoli ka na rin sa akin. Tapos nagpaalam si kuya na naka ear tunnel. Tapos, nakiramdam ulit ako. At ayun, mejo tinubuan ng kapal ng muka. Rides rides din kapag may time.

Alam mo, naalala ko pa 'yung unang kauri mo. Si ispongebob. Ganito kasi 'yun. Gustong gusto ko ng mag skateboard, kaso ayaw ni mother dear. Kasi, oo nga naman, kababae mong tao, bakit gusto mong mag skateboard. Nandoon ka sa jadewell kasama ng mga adik doon. (exact words ni inay). Pero, hindi ako natinag. Umuwi ng Baguio 'yung tatlo kong pinsan. Sila ate, ate at kuya. Si kuya, sobrang supportive niya. Sabi pa niya. "Hindi naman porket dugyot, adik na agad, tignan mo si Tito J**, malinis, pero adik". Napakagandang argument. To cut the long story short (naks, may ganun na rin) Binilan niya ako ng 500 peso worth na skateboard sa SM department store. Dahil kapag nadun na, wala ng magagawa. AT, wala na ngang nagawa. Natuto akong mag rides ng isang gabi. Oo, kinarir ko siya. Kinabukasan, bumaba kami ng Bulacan. Malamang, dala ko si ispongebob. Mejo pababa sa harapan nila lola. Sementado pa. Oo, natuto akong sakyan si ispongebob pababa. :') KASO, biglang nasira ang gulong niya. Natanggal ang kanyang bearings. :( Tapos ang pagsasaya ng batang gustong matutong mag kickflip. Sayang, fast learner pa naman. LOL! JOKE!

Di rin nagtagal. Malapit na 'yung 18th birthday ko. DUDE! PINAYAGAN AKONG BUMILI NG SKATEBOARD! Ikaw 'yun. ;) Pero, sariling pera ko pa rin, pero... DUDE! PINAYAGAN AKONG BUMILI NG SKATEBOARD.

Unang sakay ko sa 'yo. Nanibago ako. Hindi mo katulad si ispongebob. Malamang, isang 0 ang difference niyo. lol. Napaka, smooth mo. Sobra. So smooth. Kaso, nawala ang "fighting spirit" ko. Hindi kasi ako pinapayagan ni inay na makihalubilo sa mga kauri ko na gumagamit ng kauri mo. Adik daw kasi sila. :( At doon nagsimula 'yung, takas moments nating dalawa. Noong dinala kita sa school, nag signature sa 'yo 'yung mga kaklase ko. :) Sikat ka daw kasi. JOKE LANG! Hahahaha! Ayun nga, takas moments. At alam mo, ang babait ng mga kauri ko na gumagamit ng kauri mo. Tuturuan ka nila. :) Pinangalanan ka pa nila ng, Tiffany. Seriously? (Kasamahan ni Scarlette 'yan. wahahaha!) Ayoko noon. At ngayon, alam ko ng itatawag ko sa 'yo. Alex. Naks!!! :D

Kaso, ngayon. Wala na. Nagkaroon kasi ng "kaguluhan" at nadamay ako. Gusto ko lang namang mag skate eh. Pinapakomplika nila 'yung bagay. Kaya sa basketball court nalang nung tito ko tayo tumatambay. Nalaglag pa ako noon diba? Astig noon! Everything went slowmo. Tapos natauhan nalang ako nung nasa lapag na ako. hahahaha! Meron na akong, "battle scar" hahaha!

Ayun nga, sabi ko nga, it's been a while. Sus, nung ma compute ko dalawang buwan lang pala eh. Lols. Oo, dalawang buwan. At muling inapakan kita. Di bale, hindi na ulit kita i-iignore. Gumawa na ako ng... (dramatic pause) 4 WEEK CHALLENGE! Tsaka ko na sasabihin 'yung mechanics, tinatamad na ako eh. Sige Alex, bukas ulit. :)


No comments:

Post a Comment