Thursday, January 16, 2014

Elementary

"Wala ah! Wala namang torchic sa fire red"

Parang naiiyak na sinasabi nung kaklase ko kanina. Wahahaha!

Nakita kasi nila akong naglalaro ng Pokemon sa cellphone ko, at nainggit sila. Tapos doon na nagstart ang conversation buong araw. 'Yung parang, bumabalik kayo sa pagkabata niyo, pagalingan kung sinong unang makakahula nung tatlong legendary pokemon sa fire red. Tapos, padamihan ng trivia na masasabi. Payabangan. Sabi nga namin, "Sana tungkol nalang sa Pokemon 'yung thesis" Oo nga, sana. Para sure pass. Hahahaha! Amps.

Ang weird noh? Kung kelan graduating, tsaka kami naglalaro ng ganito. Hahaha. Nakakamiss siguro kapag nag graduate na kami. Ma mimiss ko 'yung mga ka block ko na halos 4 years kong kasama. Kasama sa ups and downs ng college life. Sama samang nakaranas ng INC (incomplete) na grade. Kasaman mag vigil sa school. Kasamang ma-stress. Kasamang mapagalitan. :)

Kahit na minsan, gusto ko silang suntukin sa muka isa-isa, ma mimiss ko pala sila. Deym. T___T Hahahaha! Wew...

Tama na ang drama moments, balik sa Pokemon.

Ayun, grabe talaga kanina. Arguments tungkol sa Pokemon.

Tapos kanina! Hindi ko mahuli-huli si Entei. At tinulungan ako nung ka-thesis ko. Hahahaha! Salamat! :')

No comments:

Post a Comment