Nakita ko 'yung pinost noong kaklase ko. Ang gist nung post niya, 'yung mga sundalo natin, na sinakaripisyo 'yung buhay, nadadaplisan ng bala, nabubugbog ng kalaban, at 'yung iba namamatay, hindi nabibigyan ng importansya, pero kapag 'yung isang artista, nabugbog dahil na rin siguro sa ka-******, sobra sobrang media exposure.
Sabagay, artista eh. Big time. Sikat. Samantalang 'yung mga sundalo natin, "sino ba sila" sa mata ng mga ibang tao. Nakaka stress diba?
Kapag ordinaryong tao, nabugbog, nag sumbong sa pulis, walang napapala. Kapag sikat, ayun! Gawa na ng task force. Tsk.
Kapag magshotang artista nag break, gulong gulo 'yung bayan, samantalang ikaw, 5 years kayo, nag break, manigas ka sa gilid kaka emote.
Diba? Ang fail lang? Gulong gulo tayo sa buhay ng ISANG TAO, samantalang tumingin ka sa paligid mo, ang daming kaparehas niyang sitwasyon pero wala kang pake. Wala tayong pake. Media nga naman.
No comments:
Post a Comment