Tuesday, January 7, 2014

Bumalik nanaman

:(

Bumalik nanaman...

At hindi ako natutuwa...

(Chos, akala mo kung sinong nilalang noh? Adik, hindi :p)

Bumalik nanaman ang pagiging adik ni Raisa sa isang video game. At hindi ako natutuwa sa mga pangyayaring ito. Oo, kaya kong laruin at tungangaan ang isang laro ng buong araw. Kapag pipikit ka, 'yun pa rin 'yung naiisip mo, at napapaniginipan mo. Hindi ka makatulog kasi, hindi mo pa tapos 'yung mission. :( Hindi ako natutuwa dahil, ang dami ko pang dapat gawin pero mas inuuna kong maglaro ng Pokemon. Oo, sige tumawa ka. Seryosong bagay 'to. T___T Pero si Pokemon, ilang oras ko ng nilalaro. Hindi fire red, tapos ko na 'yun, Pokemon Emerald na tayo, at nasa Pokemon League na ako. T___T Goal ko kasi, makapg trade between fire red and emerald. (adik, putik). Alam mo 'yung, pagkatapos mong maglaro, ang labo na ng paningin mo? Feeling ko, nag contribute 'yung pagtitig ko sa computer screen noon ng 6 hours sa pagkalabo ng mata ko. Hindi naman ako solid gamer. I'm far from being like that. Sadyang nakukuha lang niya 'yung attention ko ng matagalan. #InattentionProblems. May tendency na over 'yung attention na binibigay mo sa isang bagay na interesado ka kaya nakakalimutan mo na 'yung mga obligations mo.

Dati, naalala ko lang, nakikigamit lang ako ng computer sa pinsan ko. Saturday, may pasok siya. So, solo ko 'yung PC niya. Bwahahaha! Magsisimula ako ng hapon, tapos, matatapos ako ng 6 or 7 kapag sinusundo na ako ng tatay ko, kakain na kasi. Alam mong nilalaro ko? The Sims. Sa span ng 6 hours na 'yan, nakagawa na ako ng isang "angkan." T_____T

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA..

No comments:

Post a Comment