Oo... Isa 'yan sa mga plano (na hindi naman talaga natutupad, mga one week lang) ko ngayong 2014.
Healthy Living (kuno)
Ibig sabihin niyan, kumain ng, healthy foods, matulog ng 6-8 hours a day. Exercise (skateboard) at hind dapat mawawala ang spiritual healthyness... OO GUMAWA AKO NG BAGONG WORD.
Sinimulan ko ang New Year sa paglamon ng gulay... gulay... at gulay... OO, kahit na nakahambalang 'yung manok, bbq, ham, sisig at iba pang masasarap na pagkain na pangpabara sa puso, pinigilan ko 'yung sarili koooooooooo... PINIGILAN KOOOOOOOOOOOOO!!! AT NAGAWA KO NAMAN. BWAHAHAHAHAHA!
Oo, nilantakan ko 'yung mga carrots kahit na nakahambalang 'yung fruit salad sa harap ko.. KAYA KO 'TO!!!!!!!!!!! KAYA KO 'TO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! I-PUSH ito! I-push ang pagiging vegetarian. lol..
Ganito kasi 'yung motivation ko sa sarili ko:
Raisa, hanggang leeg lang masarap 'yan, pagdating sa stomach mo niyan, wala na 'yan, sakit sa puso lang ang idudulot sa 'yo niyan.
Raisa, kumain ka ng gulay habang may chance, tapos kunwari kapag may b-day party, tsaka ka lumamon ng madaming karne.
Raisa, mejo tumataba tayo (bamboo stick state) diet naman jn oh.. lol joke
No comments:
Post a Comment