Wednesday, January 15, 2014

Bla Bla Bla

Kapag kinutuban, totoo 'yun! :p

Example:
Bubunot si instructor ng 3 presentors para i-present 'yung business proposal.

Kinakabahan ka na, kasi feeling mo mabubunot ka.

At ayun nga. Nabunot ka nga. Wew


Bilang isang introvert, nahihirapan akong magsalita sa harapan ng madaming tao, mas gusto kong ako nalang 'yung gagawa nung powerpoint, basa gusto ko, behind the scenes lang ako. Pero ayun nga, kailangang lumabas sa lungga.

Sobrang kinabahan ako. Pero sabi ko. Inordain na 'to ni Lord, kaya naman, kaya ko 'to!

Ilang araw din kaming nag practice noh. At kahit wala kaming audience habang nagppractice, ramdam mo 'yung kaba. Alam mo bang dumaan pa ako sa stage ng buhay ko kung saan... basta...

To cut the story short. Successful 'yung presentation namin. :)

Si God ang nag sustain sa akin. As in. Habang hinihintay ko 'yung turn ko, kinakanta ko sa isip ko 'yung "I will be still, and know You are God" :)

Siguro, para sa isang taong makapal ang muka, non sense 'tong pinagdaanan ko. Pero para sa akin, nakita kong kumilos si Lord sa buhay ko. :)

No comments:

Post a Comment