Saturday, October 12, 2013

MejoMalandi

Sorry na sa title. Lol! Lahat naman tayo may crush ah!!!! Don't judge meeeeee! Hahahaha! Wala lang. Sem break na eh, di ko na siya matatambangan sa school. Alam mo 'yung gagawin mo ang lahat para lang maabutan siya sa room niya, tapos kapag nagkasalubong kayo, kunwari napadaan ka lang? Ahahahaha! Tas magkakatitigan kayo, tapos ngingiti ka, tapos medyo ngigiti din siya. Tapos meron din ung mga panahon na "tango" lang 'yung batian niyo? Parang 'yung dating, "Uy tol! Musta na?" </3 Hahaha! Tapos meron din 'yung mga pagkakataon na, napatulala ka nalang dahil siya 'yung unang ngumiti sa 'yo... Hihihi..

'Yung wala kang pake sa paligid mo, tipong biglang nag slow motion ang paligid niyo, tapos sabay tugtog ng Torete sa background. Wahahahahahaha! Ang corny ko na. Nakakababae kasi si cruuuuush eh, si super girly side lumalabas. Lols.

Naging kaklase ko kasi siya sa Socio noon. Tapos sa gilid siya nakaupo, ako sa medyo gilid lng, halos likuran lang niya. Bwahahahaha! Tapos saktong naging ka group ko, at naging sub-groupmate ko pa siya. Eh di ayun. Tapos nung pauwi na kami ni bestprend saktong nasa harapan namin sila. Si crush at si classmate. Inaasar namin sila, (sa aming isipan, hindi namin sila inapproach) kunwari magshota sila tapos bading sila. Ganun. Tapos nung nag babay na si crush at classmate, merong huling tingin effectsi crush. 'Yung mga mata niya punong puno ng concern, 'yung tipong his eyes says it all. "Oh, dito na ako, mag-iingat ka hah!" Parang ganun. At doon na nagsimula ang hanggang tingin moments kay crush. T.T

May slogan pa nga kaming nabuo ni bestprend eh. Maikli lang talaga siya noong una, kaso ayun, habamg tumatagal ang panahon, humaba na ng humaba:

"Team _______, save 182 trees, supporters of Filipino music, boycott SM and Burnham! 'Yan ang Team _______, hindi natitinag! Wooooooo!" (Mga prinsipyo niya kasi yan eh.. Lol)

Malaki ang naiambag ni bestprend sa hanggang tingin moments ko kay crush:
1. Siya ung pumindot ng "add as friend" sa wall ni crush. Wahahahaha!
2. Siya ung nagpapanuod ng video ko kay crush na ginawa para ko para sa kanya. Hahaha! Diskarte moments ni bestprend.
3. Siya ung nagtanong kay crush kung marunong ba siyang mag-ayos ng dreads. At dahil doon, inayos nga ni crush 'yung dreads ko. At sa mga oras na 'yun, pigil na pigil ang kakiligan ko. Amps.

Tapos ayun nga, halos lahat ay nasa kanya na. Christian, matangkad, mejo pogi (mejo lang), mabait, magaling sa photography (pero feeling ko mayaman lang siya at may maganda siyang camera, pero feeling ko mas magaling ako.. Ahahahahahaha! JOKE Lang!!! Lol), at madami pang iba na secret ko nalang.. Hahaha!

Kaso, may nalaman ako. Sabi ni bestprend, may nalaman siyang balita. May kaibigan kasi si bestprend eh, tapos magkaklase sila nun sa isang subject, ka group pa kamo. At nalaman kong nagyoyosi daw si crush. Mejo gumuho 'yung mundo ko. T.T Hindi pa naman sure, pero, pero.. Waaaaaaaaa.. Ayaw ko ng ganun eh.. Ayokong maging motto ko ung, "Team _____, tara yosi sa gate 4" T.T noooooooo! At dahil sa kadramahan ko nung mga oras na 'yun, napasulat ako nito:

Lord, aalisin ko na po 'yung feelings ko kay crush. Dahil, I am looking for a man who will LEAD ME TO YOU, NOT AWAY FROM YOU.

At ayun... Hindi pa naman sure, malay natin, sadyang mayabang lang 'yung prend ni bestprend. Pero once na malaman kong totoo... Wala ng crush.. Babay na... Paalam! Paalam sa mga sandaling nagkakatitigan tayo crush. Alam kong mahiraaaaaaap!!! Pero ayun,  mas mahal ko si Lord eh.. :)

No comments:

Post a Comment