Wednesday, October 9, 2013

Group Work

Habang gumagawa ng documentation 'yung leader namin sa Artificial Intelligence (AI) ako ay mag bblog muna, dahil, ayaw ng gumana ng utak ko. Bale finals na, tapos tatlong araw na akong bangag. Sabay sabay projects, tapos, isang linggo nalang, Introduction pa lang nasisimulan namin sa Thesis. Oh well... Ang hardcore nung leader namin, kasi, hindi siya natutulog. Oo, grabe. Bale ako, bumigay na akong kaninang 3:30 am eh Ano na ulit 'yung sasabihin ko dito? Hahahaha! (After ilang oras, ako ay nakauwi na... Itutuloy ko ang bangag adventures ko) Ang sasabihin ko dapat ay, 6:30 ako ginising nung mga ka group ko, shifting sa pagtulog ung trip namin eh, dahil kay hardcore leader. Tas kanina kwento sa akin ni Ate, niyayakap na daw niya ako kaninang umaga kaso ang sarap pa rin daw nung tulog ko. Lol. Sabi pa daw niya, "Raisa, hahalikan kita kapag hindi ka gumising." Pero wala pa ring makakatinag sa aking pagtulog. Tas ganun pala ung pakiramdam noh, napaka monotonous ng thoughts mo kapag sobrang puyat ka. At feeling ko kanina napaka cold at manhid ko sa mundo. Hala, SORRY sa mga nadamay... T.T Ang dami ko sanang gustong itype kaso bumabagsak na ung mata ko. GOOOOOOOOD NIIIIIGHT!!!!!!

No comments:

Post a Comment