Friday, October 25, 2013

Titig


<Insert Background Music: LUNA by UP DHARMA DOWN>


"BAWAT NAKAW TINGIN, SINASALO LANG NG HANGIN"

Nakita kita. Nakatayo sa gilid ng pintuan kanina. Eh di malamang, kinilig ako. Alam mo bang hindi pa ako nag lulunch ng mga oras na 'yun at sobrang stressed na ako ng mga oras na 'yun? Malamang hindi. Alam mo bang tinititigan kita at umaasa na sana tumingin ka sa direksyon ko? Malamang hindi rin. Eh alam mo bang pinasaya mo 'yung araw ko? Mas lalong hindi. Eh alam mo bang, nagkasalubong tayo sa tawiran sa tapat ng main gate kahapon? Malamang hindi, kasi, ang lakas ng sinag ng araw, kaya nag-aassume nalang ako na hindi mo ako nakita. Ang tagal mo ngang nakatayo sa may pintuan kanina eh. Siguro kung nakakatunaw 'yung titig ko, nasa liquid stage ka na ngayon. Pero ayun, umalis ka rin. Kasi mag-eenroll ka na. Oo tama 'yan, mag-enroll ka na, ayusin mo na 'yang buhay mo hah, ako graduating na, ikaw, nag-aaral ka pa rin, mag-aral ka na ng mabuti next sem. Okey. Ok. Sige.

No comments:

Post a Comment