Tuesday, October 8, 2013

Bagay Bagay

Lately may napansin ako sa sarili ko. Ito 'yung pangyayari na akala ko hindi na dadating sa buhay ko. 'Yun 'yung kapag nagbabasa ako ng Bible, natutuwa ako. Dati kasi, hindi. Ang pananaw ko kasi dati, ang pagbabasa ng Bible ay isang "chore", nakakatamad gawin, at kailangan ba talaga? (Alam ko kasi na malalaman kong mali ako, at kailangan kong baguhin 'yun, ayoko ng ganun dati.) PERO ngayon, it's a must na magbabasa ako ng Bible, lalo na kapag bagong gising at bago matulog. Ako nga rin nagulat eh. Haha! By grace of God talaga. 'Yung tipong kapag hindi ako nakapag quiet time ng umaga, feeling ko, susugod ako sa giyera ng walang sandata. (Naaaaaaks.. Ang lalim nung tagalog ko! Hahaha!) . Eh dati kasi pagkagising ko, bahala ako sa buhay ko, walang mangengealam.

At ito pa. Dati kasi, hirap na hirap akong mag trust kay Lord, ewan ko kung bakit. Haha. Pakiramdam ko kasi kj si God dati eh. PERO SOBRANG MALI AKO DOON. SOBRA TALAGA. At noong natutunan kong ipaubaya LAHAT ng bagay kay Lord, ok na ako. OK NA OK. *insert wagas na ngiti*

No comments:

Post a Comment