"God saved you to demonstrate how great He is that a God like Him would
take interest in a vile person like you and me."
Sa mga panahong ito, mejo tulala ako. Masyadong, natuwa, naaaliw, at umaapaw sa pasasalamat 'yung puso ko.
Sa oras na ito, ninanamnam ko pa 'yung napanuod ko. Medyo, matagal din kasi akong maka-absorb ng mga pangyayari sa paligid ko.
May sinend kasi sa fb ung kaibigan ko. Pinanuod ko. Ayun. Eye opener ulit.
"Oo nga naman Raisa. Oo nga naman." 'Yan nalang 'yung nasabi ko sa sarili ko.
At ayun, dinelete ko na lahat ng mga kanta sa phone ko na hindi tama para sa isang kristiyano na pakinggan.
Mahirap pindutin 'yung confirm button. Pero, kailangan.
At dinelete ko na rin 'yung profile pictures ko sa fb.
Mahirap pindutin 'yung confirm button. Pero, kailangan.
Hindi ko na rin ipupursue ang magpa-dreads, magpa-tattoo, at magpa-pierce.
Mahirap mag let-go. Pero, kailangan.
Hindi ko na rin ipupursue si crush.
MAHIRAP MAG LET-GO. PERO KAILANGAN. AT dito sa parte na 'to, kailangan ko ng disiplina sa sarili.
Ano bang mas mahalaga? 'Yung kamunduhan ko, or 'yung i-please si Lord. Malamang, i-please si Lord.
Mahirap. Mahirap talaga. PERO, naniniwala ako sa kasabihang ito:
"GOD WILL FINISH THE WORK HE BEGAN IN US" (Phil 1:6)
At ayun. Ayun na nga. ^_^ Makalayas na nga sa comfort zone.
No comments:
Post a Comment