=======================
Habang naglilinis ako ng kwarto, oo, dahil nga gusto ko ng alisin 'yung mga bagay na hindi kailangan dito, at para naman magmuka siyang kwarto ng babae. Hahaha! Aayusin ko na siya. Basta. Ayun nga, naglilinis ako ng kwarto ko, at na-distract ako sa mga bagay na nakita ko. Expected naman eh, kaya ayokong maglinis ng kwarto ko, hindi ako nakakatapos. lol
Itong kisses na ito, grade 4 pa ako niyan. Naniniwala kasi kami noon, na nanganganak ang kisses at balak naming magparami nito, para sikat ka. Every week, lagi kong nilalagyan ng powder kasi, naniniwala kami na 'yan 'yung pagkain nila. Meron pang anatomy ang kisses, kapag payat, lalaki, kapag mataba, babae. Oo buntis daw kasi. Wahahahaha! Grabe, 10 years na pala 'to, at mabango pa rin siya. Astig, kaya ipapamana ko 'to sa anak ko, sabay sabi ng "Igalang mo 'yan, mas matanda pa sa 'yo 'yan." (Blurred lang, tinatamad akong gamitin ung digicam ko na may ultra super astig na macro shot talent.. hahahahahaha)Totoo talaga 'yung theory ko na kapag nilalagnat ka, hindi mo kailangang uminom ng gamot, dahil gagaling at gagaling ka. Naalala ko, may pneumonia ako noon. Mahal noong gamot, as in. Pero dahil ang pangit ng lasa, hindi ko siya iniinom, alam mo ba na gumaling ako? Hahaha..
High school ako nito, ito 'yung mga panahon na crush na crush namin si Sasuke. Speaking of crush, matagal akong makaget-over sa mga crush ko sa anime. LOL. Naalala ko, ang una kong naging crush ay si Mojako. Wahahahaha! Joke lang. Ang una kong crush ay si Vincent ng ghost fighter. Tapos sinundan na nila Sasuke, Natsume (Alice Academy), Kaname (Vampire Knight), Usui (Kaichou Wa Maid Sama), tapos si LANCE CORPORAL LEVI (siguro after 1 year, babalikan ko 'tong blog ko, mapapa face palm nalang ako sa mga pinagsususulat ko dito.) Ang hilig ko pala sa mga manhid, 'yung walang emosyon, mga pa-mysterious effect. Hahahaha! T__T mahid.. lol </3
High School, ewan ko, natripan kong gumawa ng ganyan. Hahahaha! Parang epidemya 'yan eh, halos lahat kami, gumagawa ng ganyan.

Masyado kong kinarir ang paggawa ng sci-damath chips. May grade eh, baka sakaling ma-impress si sir, dahil masyado kong kinakarir ang Pre-Calculus namin, tapos sasabihin niya "WOW! KINARIR NI RAISA, SIGE IPAPASA KO NA NGA 'TO!"
Bato. Mga bato. Nagkalat na bato. Ewan ko kung saan ko 'to nakuha, at kung bakit. (Dahil, astig 'yung bato? Different colors? At dahil pinangarap ko ring maging Archeologist noon? PERO, naalala ko lang, noong bata ako (sabi din ni inay), nangongolekta ako ng mga bato tapos itatago ko sa drawer ko, DAHIL, ayon sa aking sariling theory, magiging ginto daw 'to. EWAN KO kung saan ko nakalap 'yang impormasyon na 'yan pero ayun nga, nasa sub-consciousness ko na yata 'yung mamulot ng bato.===============
Ang dami ko nanamang sinabi. Sige Raisa, mag type ka pa, anong oras na, hindi ka pa rin tapos maglinis ng kwarto moooooooo.. Mag focus ka kasi... FOOOOOOOCUUUUUUUUUSSSSSSSSSSSS...

No comments:
Post a Comment