Raisa: Saan ko binaba 'yung cellphone/pencil/ballpen/gunting/eyeglasses ko? (Ayan na, hahalughugin na ang buong bahay. Tapos nandoon lang pala siya sa pinag-iwanan mo. Hahaha! Fail)
Raisa: Grabe, nakalimutan kong huminga. Joke.
Classmate: Raisa dala mo 'yung ________?
Raisa: Ayyyy.. Nakalimuta kooooo.. Bukas.. :)
Classmate: Raisa, dala mo na ngayon?
Raisa: Sorry na.... Bukas na talaga, txt mo ako.
Para hindi ko makalimutan na may assignment or tasks na pinapagawa sa akin, sinusulat ko siya sa kamay ko, oo weird, tinatanong na nga ako nung mga kaklase ko kung anong pinag-gagagawa ko, pero 'yun lang kasi 'yung way para maalala ko 'yung mga bagay-bagay. Hindi helpful 'yung pagsulat sa papel kasi nakakalimutan kong may papel pala akong sinulatan. Hahaha! Ay ito, naalala ko bigla, high school ako, 'yung kumuha ako ng kapirasong papel, siguro 2x2 'yung size tas sinulat ko 'yung assignment ata, tapos kumuha ako ng tape, ni-tape ko 'yung papel sa wrist ko. rak en rol! hahahaha!
I'm trying my best para tapusin 'yung isang task, kaso lumilipad at lumilipad talaga 'yung isip ko. Minsan, hindi ko na alam 'yung gagawin ko (kahit na napaka simpleng bagay), kaya tititigan ko nalang 'yung bagay na 'yun. Example, naglilinis ako ng kwarto. Batong bato na ako, pinipilit ko nalang talaga 'yung sarili ko. Ang nakakalat nalang sa floor, ilang papel, gunting, libro, konting kalat. Alam mo bang hirap na hirap akong i-sort out 'yan? :( Kapag pipilitin ko 'yung sarili ko, nauubos 'yung energy ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. :(
Siguro nangyayari lang 'to kapag bored na ako sa mga pinagsasasabi mo. Example, lectures. Hahahaha! (Sino ba naman ang hindi? lol)
Problema ko 'to. Sobra. Pero ngayon, iniisip ko nalang na "Do it for the glory of God."
Hindi ko na kailangang i-elaborate. Lagi kong nararanasan 'yan. Kaya ang hirap i-implement ng self discipline. T___T Napakadalin kong ma-distract sa mga bagay-bagay. Ughs. Di bale, by the Grace of God, kakayanin ko 'to! :D
No comments:
Post a Comment