Wednesday, November 13, 2013

Nostalgic

Nakita ko 'yung Ang Sarap Dito ng Project 1. Nostalgic, grabeeeeh!. Hahaha! Noong una hindi ko pa maalala kung ano 'yung tune noong kanta, pero noong nag play na, okaaaay, alam na!

Dumaan kasi ako sa dark phase noong 3rd year high school ako. Literal, depressed ako ng mga panahon na 'yun. Nawalan ako ng "purpose" sa buhay. NAWALAN AKO NG GANANG MABUHAY. For short, naging robot ako. Wala, gumigising ako para pumasok sa school, uuwi ako, para matulog. Sobrang stressed ako sa school. Umagang-umaga, bored na bored ka na, sabayan pa ng hindi mo maintindihan 'yung lessons. Science Class ako, nasa amin ang pressure. Kailangang 85 and above 'yung grade mo, or else, mapapatalsik ka at mapupunta ka sa regular class (HINDI KO SILA NILALAIT). Nakakahiyang mangyari 'yun. Noon, iniiyakan ko 'yung mga projects na hindi ko matapos-tapos. Iniiyakan ko kung hindi name-meet ng expactations ko 'yung output ko. Iniiyakan ko 'yung mga sleepless nights. Exams na bukas, tambak pa rin 'yung projects niyo. Pakiramdam ko noon, na deprive ako ng matinong childhood. Nag elementary ako sa SPED, nasa fast learner group ako. Grade one ako, namulat na 'yung mga mata ko na grades ang basehan ng pagkatao ng isang tao. Kapag hindi mo na-perfect 'yung quiz mo, bobo ka. Kapag wala ka sa top 10, bobo ka. Kapag 80 'yung grade mo, bobo ka. Kapag hindi mo ka-close 'yung adviser mo, sakto lang, ibig sabihin noon, hindi ka sipsip. Naasar ako sa mga sipsip. Doon kase minsan nababase 'yung grade mo. Oo, nag flashback laht ng mga 'yan. Sinisi ko na lahat ng pwedeng sisihin. Noong 3rd year ako, wala akong plano sa buhay. Naranasan ko 'yung sobrang kalungkutan. Pakiramdam ko, mag-isa lang ako. Sa mga oras na 'yun, nasa boarderline ako ng pagiging Atheist. Kinwestion ko ang existence ni God, kung totoo bang may Diyos? Totoo ba siya? Kung totoo siya, bakit ako nalulungkot?

 NGAYON, ALAM KO NA KUNG BAKIT AKO MALUNGKOT NOON, KUNG BAKIT NAPAKA-MISERABLE KO. KINALIMUTAN KO KASING MAY DIYOS NA NAGMAMAHAL SA AKIN, MAY DIYOS NA SA SOBRANG PAGMAMAHAL SA AKIN, PINADALA NIYA 'YUNG ANAK NIYA, PARA MAMATAY SA LUGAR KO. Nagdepend ako sa sarili kong lakas. Nagdepend ako sa tao. Nagdepend ako sa grades. Nagdepend ako sa mga bagay-bagay.At ayun nga, ngayon, naliwanagan na ako ng wagas. At kahit kailan man, hindi na ulit ako tutungtong sa kadiliman. (waaaaaaaaaa.. ang deeeeeeeeeeeeep)


No comments:

Post a Comment