Saturday, November 30, 2013

Groupmates

Oo, mag-isa ko lang na babae sa thesis group namin. Oo, weirdong pakinggan. Pero, alam kong may dahilan kung bakit ako napunta sa group na 'yun. :D (Wala kasi silang secretary eh... Wala silang taga file ng mga bagay-bagay </3 haha! jokes)

Una, wala kaming nakikitang malisya sa bawat isa. (Ewwwnesss...) Pero ewan ko lang kung merong namamagitan sa mga groupmates ko. badingers.. joke

Pangalawa, matagal na kaming magkakasama, 4 years, ups and downs ng college life, magkakasama kami, kaya, napaka normal lang talagang kasama sila.

Pangatlo, napakakulit nilang nilalang. Minsan nakakaasar. 'Yung mga pang-aasar nila. 'Yung tipong gusto ko silang kurutin tas hampasin ng libro sa ulo (gawain ko noong Grade One), kaso napaka-immature noon, kaya tinuruan ako noong kaibigan ko, isumpa ko daw na magiging bading 'yung mga anak nila. Hahahahaha! Bastos lang, pero bad 'yun. Kaya ngingiti nalang ako. :) Nature naman kasi nilang mang-asar eh. Ako, lumaki ako sa pang-aasar ni dearest kuya pinsan. Kaya sanay na sanay na ako. Para sa akin kasi, kapag inaasar ka ng isang tao, importante ka sa buhay niya, kaya nagpapasalamat ako sa mga pang-aasar nila. Hahahaha!

Pang-apat, masaya naman silang kasama. Sakto lang. Para na rin akong may mga kasamang babae, minsan kasi mas maarte pa sila sa akin. 'Yung isa nagulat nalang kami, naglabas ng pang cleanse ng muka, 'yung pinapahid, tas may dala din siyang cotton, tapos ayun, oily daw kasi 'yung muka niya. O.o lols.

Pero minsan, nakakalimutan ata nilang babae ako. T___T Hahahaha! Minsan kung makahampas, wagas. Hahaha! Mga jokes nilang sobrang green. Mga DOTA moments nila, wala namang masama doon, minsan lang kasi nakakalimutan nila 'yung obligasyon nila, naasar ako noong isang beses, sinundo ko pa talaga sila sa computer shop. T___T Mga jokes nilang nakaka degrade ng pagkatao. Wahahahaha! Kaya ayun, babawian ko rin sila ng joke na mas nakaka-degrade pa. Bwahahaha!

Pero, nagpapasalamat ako sa mga ka-group, kahit na minsan para kaming mga high school students. Dahil kasi sa kanila, napipilitan tuloy akong maging disiplinado. Oo, aaminin ko, isa akong tamad na nilalang, pero ngayon, kailangan ko ng umayos. Kapag stressed na ako, or kapag nagsusungit ako, mag jojoke na 'yung isa, tas bati na ulit kami. Hahaha! 'Yun nga 'yung nakakainis eh, naasar na ako, pero bungisngis pa rin.



3in1

Ano 'to tumblr??? EH BAKIT BA KASEEEEEEEEE! T_____T (May pinagdadaanan. Hahaha!)

Ang KAPE, ay isang "NEED" sa buhay ng isang college student na tambak ng projects. 

Noong high school ako, mga once a year lang akong nagkakape, (kapag nasa probinsya kami, may coffee maker kasi si lola at trip kong mag kape, dahil lahat ng nilalang doon sa probinsya ay nagkakape). Pero ngayon, parang 300 days a year. Hahaha! 

Hindi ko na maalala... Okay, bigla kong naalala.. hahahaha! Nice. Noong 2nd year college ako, nilibre ako ng kaklase ko ng kape, mga 12:30 pm ata 'yun, saktong may klase kami ng 1:00 pm. Madalian ang pag-inom ng kape, nilaklak ko siya. Straight. Noong una, ayos pa ako, tapos, habang nasa kalagitnaan ng boring na lecture, bigla akong hindi mapakali, kinukulit ko na si bestprend. Lahat na ata ng kabangagan ko, nailabas ko na, tahimik kaming nagtatawanan sa likod. lols. Ayun, wala kaming nautunan ng mga araw na 'yun. At ayun, doon ko nalaman na kapag nagkakape si Raisa, nagiging bangag siya. (Well, madami pa namang factors ang nagcocontribute para maging bangag ako. hahaha)

Sa dami ng nilalak kong kape, nababangag pa rin ako, sana hindi mawala 'yun. Exciting kaya, 'yung tipong naiiyak ka na kasi ang bilis ng tibok ng puso mo tapos hindi mo alam kung mamamatay ka na. Hahahaha! Hindi mo alam ang mga susunod na pangyayari. ASTIIIIIIIIG!!!!

Parang, ikaw din 'yan. Para kang kape. Hindi ko alam kung... WAHAHAHAHA! Bumanat, kade joke lang! Itigil ang kahibangang ito.

Wednesday, November 27, 2013

Inattention

  • Often loses itemsAdults with ADHD often complain of losing keys, important phone numbers, their cell phones or wallets on a regular basis.
Raisa: Saan ko binaba 'yung cellphone/pencil/ballpen/gunting/eyeglasses ko? (Ayan na, hahalughugin na ang buong bahay. Tapos nandoon lang pala siya sa pinag-iwanan mo. Hahaha! Fail)



  • Often forgetful. Whether something is important or trivial does not make a difference. Forgetfulness is a daily struggle for adults with ADHD. They may forget to take out the trash or forget to pick the children up from school. This is sometimes a result of being distracted or hyperfocus.
Raisa: Grabe, nakalimutan kong huminga. Joke.

Classmate: Raisa dala mo 'yung ________?
Raisa: Ayyyy.. Nakalimuta kooooo.. Bukas.. :)

Classmate: Raisa, dala mo na ngayon?
Raisa: Sorry na.... Bukas na talaga, txt mo ako. 

Para hindi ko makalimutan na may assignment or tasks na pinapagawa sa akin, sinusulat ko siya sa kamay ko, oo weird, tinatanong na nga ako nung mga kaklase ko kung anong pinag-gagagawa ko, pero 'yun lang kasi 'yung way para maalala ko 'yung mga bagay-bagay. Hindi helpful 'yung pagsulat sa papel kasi nakakalimutan kong may papel pala akong sinulatan. Hahaha! Ay ito, naalala ko bigla, high school ako, 'yung kumuha ako ng kapirasong papel, siguro 2x2 'yung size tas sinulat ko 'yung assignment ata, tapos kumuha ako ng tape, ni-tape ko 'yung papel sa wrist ko. rak en rol! hahahaha!


  • Not completing tasks. Whether it is a project you have become bored with and are no longer interested in, or a daily task that you started, became distracted and hours later rememberedthat you never finished, there are tasks everyday that are half done.
I'm trying my best para tapusin 'yung isang task, kaso lumilipad at lumilipad talaga 'yung isip ko. Minsan, hindi ko na alam 'yung gagawin ko (kahit na napaka simpleng bagay), kaya tititigan ko nalang 'yung bagay na 'yun. Example, naglilinis ako ng kwarto. Batong bato na ako, pinipilit ko nalang talaga 'yung sarili ko. Ang nakakalat nalang sa floor, ilang papel, gunting, libro, konting kalat. Alam mo bang hirap na hirap akong i-sort out 'yan? :( Kapag pipilitin ko 'yung sarili ko, nauubos 'yung energy ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. :(



  • Difficulty following conversations. Being easily distracted doesn’t go away when someone is talking to you. You might start out the conversation hearing everything only to be distracted by something else and all of the sudden you have no idea what someone is talking about. You might miss important deadlines or events because you only heard half of a conversation.
Siguro nangyayari lang 'to kapag bored na ako sa mga pinagsasasabi mo. Example, lectures. Hahahaha! (Sino ba naman ang hindi? lol)



  • Lack of motivation. No matter how good your intentions are, you always seem to get sidetracked and can’t seem to get to the project at hand. It may be that the project sounds boring or is just something that you don’t really have any interest in.
Problema ko 'to. Sobra. Pero ngayon, iniisip ko nalang na "Do it for the glory of God."



  • Can’t follow a timed schedule. You may have planned your day but no matter how much you try to follow the schedule it never seems to work out. You may misjudge how much time something will take you, you may become “hyperfocused” and spend way to long on a single project and not get around to completing anything else on your list.
Hindi ko na kailangang i-elaborate. Lagi kong nararanasan 'yan. Kaya ang hirap i-implement ng self discipline. T___T Napakadalin kong ma-distract sa mga bagay-bagay. Ughs. Di bale, by the Grace of God, kakayanin ko 'to! :D

P.I.M.P.L.E.S

Proeba ng

Inlab

Masipag

Pursigido

Langgam

Ewan ko

Stressed

Tuesday, November 26, 2013

Hinampas Ako ng Realidad

Nauntog ako. Solid na untog.

Dinig na dinig mo 'yung tunog.

Alam mo kung bakit ako nauntog?

Kasi gusto ko ng matulog.

Hihiga na dapat ako sa bed.

Ayun, nauntog ako sa headboard.

Hinampas ako ng realidad.

"Raisa, 'wag kang tamad!"


Sunday, November 24, 2013

Banat ng Conyo

Raisa: Droga ka ba?

siraisaybored.blogspot.com: Bakit? Ahihihi

Raisa: Eh kasi naman adik na adik ako sa 'yo. Nag wwithrawal syndrome ata ako kapag hindi ako nakakapag post sa 'yo.

siraisaaybored.blogspot.com: ahihihi <3 ikaw talaga! you're so landi...


Grabe, ang ganda ng intro ko, lols. Anbayan! Kahirap ng hindi magpost! Pakiramdam ko kasi, my day is not complete if I'm not making sulat sulat here. Like grabe talaga! Hindi ako mapakali, parang I need an outlet for my super random thoughts. Kahit na it's super nonsense. Pero ayun nga, like what I said, I'll limit nalang may post ng One Post Per Day (OPPD <-- gumawa ng sariling ewan).

Kanina, si mommy dearest, nagpapahanap ng cassava cake recipe, and out of the blue, dinrawingan niya ng sing-sing 'yung ring finger ko sa right hand. Like, my mom is so random talaga! And naalala ko tuloy noong nag tattoo session kami sa bus noong kaibigan ko gamit ang sharpies. Yaaaah! Hanggang doon nalang kasi 'yung dreams namin, it's super bawal kasi to have a tattoo. </3

Speaking of tattoos, like before, I'm planning to place tattooS on my legS and wristS. Pero like what I said nga, it's bawal.

Okay so anyway, kinikilabutan na ako sa mga pinagsasasabi ko. Hahahahaha! Balik tagalog tayo. (Oo, alam kong Filipino ang tamang term..) Aayusin ko na si dear kwarto, tatapusin ko na 'yung assignment ko sa madugong subject, 'yung logo (alam mo bang paulit-ulit kong pinapakinggan 'yung Dumaan Ako? Doon ko kasi kinukuha 'yung inspiration ko. hahaha!), mag qquiet time, at matutulog (siguro mga 3am).

Saturday, November 23, 2013

ASA

Parang sabi ko kagabi, isang buwan akong hindi magppost dito. Anyare? Ayun, nangati 'yung mga daliri ko.
Pero ililimit ko nalang ng 1 post per day........... lol joke, sa sobrang ka-busyhan ko, baka wala na rin akong oras mag post ng mga walang kwenta at walang patutunguan na post......

Wala, nalungkot lang ako kasi namatay 'yung kaibigan nung ate ni ano. Hindi ko nga kilala 'yung namatay eh, kaso nalungkot ako dahil ang bata pa niya at higit sa lahat.... Saan kaya siya pumunta... :( Nakilala man lang kaya niya si Jesus Christ? Nagsisi man lang ba siya sa mga kasalanan niya? Binisita ko 'yung wall niya, puro mura pa 'yung natagpuan ko.. </3 Ayun, affected lang ako. Pero kung iisipin, libo-libo 'yung taong namamatay everyday na hindi man lang nakakarinig ng Gospel. Nakaka...lungkot... Parang, napaisip tuloy ako, ano 'to, uupo nalang ba ako dito? wew.. haha! Pero, si Lord pa rin naman 'yung nagbubukas ng puso at isipan ng isang tao eh. Pero kailangan nating mag sow ng seeds. Hmmm... ;)

==========================

Tapos ako ang inassign na mag drawing ng logo ng group namin. Akalain mo 'yun teh! Na-pressure tuloy ako bigla. Lord, tulungan niyo po ako.

==========================

So ayun nga. Totoo na 'to. Busy busyhan sa school. Tambak ng projects. Graduating na eh ;) Nyahahahaha! Review review ng lessons para hindi nag ccram. Matutulog ng maaga para hindi late gumigising at hindi late sa school. Aayusin na 'yung gamit bago matulog para kapag sa umaga hindi ka nagmamadali. Aayusin ko na talaga 'yung schedule ko. Magpapaka-mature na ako. Magiging responsable na ako. Bawal ma-distract kay Return Of Investment, mas madami ka pang mas makabuluhang bagay na dapat gawin. Ang bata mo pa. Hahahahaha! Ayusin mo muna 'yang buhay mo. (example, ayusin mo 'yang walk mo with God)

Grabe 19 na ako, kailangan ko ng maging responsable. Pero bago 'yan manunuod muna ako. JOKE LANG!!!!!! Sige si raisaaybored.blogspot.com, babay muna. May gagawin ka na eh, kaya next time nalang ulit. ^_^ (Christmas break teh..)

Friday, November 22, 2013

Inaantok na ako. Pero bawal matulog.

Kanina, sabi sa akin noong mga ka group ko sa Thesis, na miss daw nila ako. Awwwww.. Kasi wala silang mapagtripan noong absent ako. Pero at least, namiss ako.. Wahahahaha! :')

-----------------------
Reminder: General Assembly for the yearbook tomorrow (Novermber 22) at P700.

Pagkakaintindi ko: May meeting, at may bayad na 700 pesos.
Akala ko ako lang, pero halos lahat pala kami. Na-tanga lang pala 'yung utak namin. Eh kasi naman,

Meeting sa room P700 'yung ibig sabihin..

---------------------------
Nag-personality test kami kanina noong dalawa kong ka-group sa thesis. Wala lang, nagkayayaan, baka daw kasi malaman nilang baliw sila.


---------------------------
Grabe, tinatamad akong maglinis ng kwarto. T____T


---------------------------
 Ang boring at wala ng saysay ang mga pinopost ko dito, mamamaalam muna ako ng isang buwan. ^_^ buhbye

Project part two

Grabe kinarir ko 'yung task na pinagawa sa akin. Nakapag drawing ako ng di-oras. Alam mo 'yung feeling na, ang ganda ganda ng na vvisualize mo, kaso pag drawing mo, ANYARE? ANO 'YAN? DRAWING NG GRADE ONE? GRABE MAS MAGALING PA SA 'YO 'YUNG KAPATID KONG KINDER. Parang ganun. lol. Eh basta nag effort ako. At kinakarir ko 'tong project na 'to. Mas kinakarir ko pa sa thesis. Sana kasi may drawing din sa thesis. wahahahahahahaha!

Project

Soooo... May project kami sa isang subject... Hindi naman madugo pero ang dami lang requirements at tatlong linggo lang 'yung binigay na time... Soooooo... Todo effort na 'to... At, wala muna akong magiging social life nito. :( Hahaha! (Kelan ka ba nagkaroon?) Perooooo.. Kanina, habang sinasabi ni sir 'yung requirements, medyo napangiti ako kahit na hindi dapat... :( Kailangan daw kasi ng Return Of Investment... oo.. 'Yang Return Of Investment na 'yan! Tsk.. Grabe... Kailangan daw namin 'yan. lols! The irony... Return Of Investment.... R....... Mehehehe.. T___T Tas 'yung sa summary report ni leader.. All caps talaga 'yung first letters ng Return Of Investment na 'yan? Grabe.. Grabe lang talaga.. Hahahaha! (Eh malamang, initials eh, kaya malamang all caps... duh Raisa, duh!)

Thursday, November 21, 2013

LAINEDNI

Walang koneksyon ang November 21 (ehem ehem ehem ehem ehem ehem, grabe hinihika ka na teh? sige ubo pa!) sa hindi ko pagpasok ngayon. Sadyang nagkataon lang na late akong nagising kahit na napaka-aga kong natulog kagabi, at sadyang nagkataon lang na ayokong pumasok. Wala akong sinasabi tungkol sa date na ito, November 21. Wala namang samting special sa date na 'to, dahil LAST YEAR, meron ding November 21. Bale isang taon na 'yung nakalipas mula noong November 21, 2012, kasi nga ngayon, November 21, 2013 na. Sa span ng isang taon, malamang maraming nangyari, AT TRIP KO LANG MAGPAKA-SENTI NGAYON KASI BLOG KO 'TO.

Sa loob ng isang taon na 'yan marami akong:
Nadiskubre
Nakilala
Nakasalamuha
Ginawa
Na-experience
Iniluha
Tinawa
Kinain na pagkain
Hiningang Hangin
Hiningang Hangin na may usok ng yosi (T______T)
Oras na ginugol para matulog
Oras na ginugol para umiyak
Oras na ginugol para mag-aral
Oras na ginugol para mag-senti
Oras na ginugol para tumulala
Oras na ginugol para gumawa ng tula
Oras na ginugol para manuod ng TV
Oras na ginugol para magkape



at higit sa lahat

Nagbagong buhay ako. ;) (Okay, paki tignan 'yung "Bagong Buhay" kung hindi ka maka-relate, at sana mahanap mo siya kahit na tambak ng random post 'tong blog ko na 'to ^_^)

So, ano ba kasing meron sa November 21? Wala lang, gusto ko lang magpasalamat kay Lord dahil dumating ang November 21. ^__^

0110100101110100011011110110000101101110011001110110000101110010011000010111011101101011011101010110111001100111011100110110000101100001011011100110100101101110011010010111011101100001011011100110111001101001011110010110000101100001011010110110111101101100011101010110100001100001011000010110111001100001011010110110111101101110011001110110110101100111011000010110111101110010011000010111001101101110011000010110100101110100011011110110100001101001011011100110010001101001011010110110111101100001011011000110000101101101011000010110111001100111011001110110000101100111011000010111011101101001011011100110101101101111011100110110111101100010011100100110000101101110011001110111001101100001011010110110100101110100011100110110000101101101011000010110010001100001011011000110100101101110011001110111001101100001011000100110100101101001011100110110000101101110011001110111010001100001011011110110111001101110011000010110000101101011011011110110111001100111011100110110100101101110011001110110110001100101011000010111010001101110011000010110011101110000011000010111000001100001011100110110000101101100011000010110110101100001011101000110000101101011011011110110101101100001011110010100110001101111011100100110010001100100011000010110100001101001011011000111001101100001011100110110000101101011011010010111010001101110011000010110111001100001011100100110000101101101011001000110000101101101011000010110111001101011011011110110111001100001011010110110100101101100011000010110110001100001011010110110111101010011011010010111100101100001

(bakit may binary? para naman may mapala kunwari 'yung natutunan ko noong first year college ako! walang ibig sabihin 'yan, 'wag kang assuming... random numbers lang 'yan... promise.... wala kang mapapala diyan... sinasayang mo lang oras mo... pati sa pagbabasa ng blog ko, bakit, uunlad ba ang Pilipinas kapag binisita mo 'tong blog ko? lol JOKE! ano dami kong sinabi.. sige iiyak nalang ako sa isang gilid.. wahahahaha! kade, joke lang! ang dami ko nanamang sinabi, eh kasi nga absent ako! hindi ako nakapag-interact sa ibang mga tao. epekto 'yan ng tamad pumasok)


OO! UMIYAK AKO!

http://themetapicture.com/if-youre-only-going-to-read-one-thing-today-read-this/

Nakaka-touch. SOBRA! T_________________T

P.S. hindi siya horror, or kung ano mang lumalabas ng bagay-bagay. pangako.

Raisa

Raisa \ra(i)-sa\ as a girl's name is pronounced RAY-sah, RYE-zah. It is of Hebrew and Yiddish origin, and the meaning of Raisa is "rose". In English and Slavic form, probably derived from Greek for "carefree". Also possibly originated as a Slavic equivalent of Ruth (Hebrew) "beloved".
Raisa has 6 variant forms: RaisabelRaissaRaisseRaizaRaizel and Rayzel.

Soure: http://www.thinkbabynames.com/meaning/0/Raisa#76Ey2wxsM9KhwVIx.99


Wala talaga akong balak na i-explain kung saan nakuha 'yung pangalan ko kaso, sa isang ngarag moments ko na type ko ung pangalan ko sa search bar (email address dapat) at natawa ako sa nabasa ko.

Una, horses daw. So, may kabayo somewhere out there na "Raisa" ang pangalan. Hahahahaha! (Bakit hindi nalang Bogart?)

Pangalawa, ayan, si Raisa Gorbachova, diyan talaga kinuha ni mama 'yung Raisa. Buti nalang Alexis 'yung second name ko at hindi Maximovna. Grabe, ang hassle niyan isulat! Tapos na lahat ng kaklase mo sa quiz, ikaw, kakatapos pa lang isulat 'yung pangalan mo.

Sabi sa pinaka-taas, carefree... KAYA NAMAN PALA EH! lol Tas natawa ako doon sa Raisabel, parang nang jojoke lang. hahaha!

Twitter

November 19, 2013

9:10 pm.
WAAAAAAAA! Ang sakit na ng ulo ko. Paano ba kasi nakukuha 'yung Arrival time in queue and in service??? T___T

9:30
Hindi ko pa rin alam kung bakit ganun 'yung mga kinakalabasan na sagot. T____T

9:37
Mukang tama naman ata 'tong pinag gagagawa ko.... Okay, oras na para i-graph.....

10:01
Mejo tapos ko na, pero.. tama ba? T________T

10:07
Tagal namang magreply ni kaibigan. Kailangan ko ng assurance sa mga sagot ko, kakain nalang muna ako. Pero, nagchat si ate classmate, sige kakausapin ko muna siya, baka matulungan pa namin ang isa't isa.

10:29
Nag reply si kaibigan, kakauwi lang niya. (Grabe teh, san ka galing? hahahaha!)

10:33
May nakita ako sa fb. Tungkol kay dearest ate. Gumagana nanaman 'yung imagination ko. At kinikilig ako. Wahahahahaha! (Kilig level 4)

10:43
waits lang daw sabi ni kaibigan.

11:39
hurrah! nabuhay si kaibigan. lol. naka dalawang chapter ako sa Lies Young Women Believe. Ang dami ulit ni-reveal ni God sa akin. Grabe. Nakakaiyak nga eh...



November 21, 2013

12:09 am
sumabog 'yung utak ko. tunganga mode

12:16
okay gets ko na pala ulit.. lols

12:29
i-rerewrite ko na ang mga bagay-bagay, (Lord! Salamat po!!!!) pero syempre bago ako mag rewrite, ano pa bang expected sa nilalang na katulad ko? ayun tama, magmumuni muni nanaman ako, nadistract nanaman ako ng kung anong bagay at hindi nnaman ako makafocus.. T___T

6:16
good morning! nga nga teh! nakatulog pala ako..

7:00
lamon plus homework.. actually, nakalimutan ko na lahat ng solutions, habang ni rerewrite ko, pakiramdam ko kung anong kababalaghan 'yung nangyari kaya lumabas 'yung mga random numbers.. ahahahaha! tapos napaisip ako bigla kay isa pang classmate.. nagawa kaya niya? T___T concerned.. hahaha! eh kasi naman, 'yung babaeng 'yun, mas iresponsable pa sa akin. na-iimagine mo ba 'yun? May mas ireresoponsable pa ba kay Raisa? Oo, sa kasamaang palad, meron. Kaya ayun, malamang, damayan ang kapwa babae. :) (example, Oh M****, bakit ka absent?.... Oh, may assignment tayo hah! Ilagay mo sa blabla bond paper, hand written.... Oh, saan ka galing? May ginagawa tayo kanina............. Wala kang ballpen, oh <sabay abot ng ballpen> Wala kang bond paper? <sabay abot ng bond paper> NAPAKA BAGAL MO NAMANG MAGMARGIN! Akin na nga 'yan!!! <sabay kuha ng bond paper at sabay minarginan> diba? parang ate lang? lols Oo ganun kasi siya, wala siyang time frame sa buhay. At nandito kaming mga kaklase niya para tulungan siya. hahaha!)

7:06
kakatapos isulat 'yung monologue sa taas.

7:31
natapos ko rin sa wakas... okay, oras na para maligo at pumunta sa school

----------------------------
Hindi ako na-late. Praise God! Tapos, may activity na binigay si intructor, same principle, PERO mas madugo. Ayun, binigyan niya kami ng 1 hour na palugit, nagkalat kami sa hallway. Hallway ng Silang 3rd floor kung saan main entrance ng mga studyante papuntang mga classroom nila, at kung saan matatagpuan ang faculty rooms ng mga instructors namin. Ayun, nagkalat kami, literal. Nauso nanaman ang teamwork. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin namin natapos ang mga bagay-bagay. Hahahaha! T___T Kung 'yung homework na may 5 entities involved, ilang oras naming ginawa, 'yung 11 entities involved pa kaya? </3 pero naintindihan ko siya. Sadyang mabagal lang kaming nilalang. haha!

Wednesday, November 20, 2013

Maghihintay ako...



Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso kong itong nadurog
Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin
Kaya kong maghintay sa mga tula mo
Makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
Matutuklasan ang laman ng pusong malayo
At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
Sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
At makakahimlay sa mapayapang gabi
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko nga itong nadurog
Parang ang puso kong itong nadurog

SariLikha:
'Wag mo muna akong mahalin, dahil masakit pa rin. Sana mahintay mo ako. At kung dumating ang panahon na handa na ako, aapaw sa kaligayahan ang puso kong ito. Mapapalagay na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon, kahit na alam kong masakit, mahintay mo sana ako.
------------------
Oo, ang corny ng interpretation ko! Pero noong unang beses kong narinig 'to, 'yan 'yung kwentong pumasok sa isip ko. Hahahaha! SORRY NA HAH! BLOG KO KASI 'TO EH! lols

At OO, nirepost ko 'to, pero dalawa na silang singer. Hahaha! Ganito kasi 'yan, si Maningning Miclat (chinese 'yan dude! pero, wala na siya ngayon.. :( )ang nag compose ng poem na 'to, tapos ginawang kanta nila Joey Ayala at Cynthia Alexander. Magkapatid 'yang dalawang 'yan. Hahahaha! Natuwa ako sa interaction nilang magkapatid. Parang bonding lang. Nakaka-mangha. Hahahaha! At ang ganda talaga ng lyrics at tune. Wala akong masabi. Sobra.

Tuesday, November 19, 2013

BABAE AKO!

Sabi ko kanina, hindi ako gagastos. Sabi ko kanina, magkukuripot na ako ng wagas. Sabi ko kanina, 20 pesos lang gagastusin ko. (Alam mo bang ilang araw na akong walang load? T___T umaasa nalang ako na gumana sakanila 'yung telekinesis chorvaness.. hahaha!) PERO ANYARE? Ayun! Nagutom ako, nag ccrave ako sa paborito kong matatamis na bagay, grabe, parang withdrawal lang, kaya ayown, napabili ako ng Oreo. </3 Tapos kanina, nakita ako noong kaibigan ko, hinila ako, napagastos tuloy ako ng bente sa kape. T___T Wala tuloy akong ipon ngayon. Tapos nakakatawa kasi, ang dami-dami naming napag-usapan. Mula computer parts, hanggang sa tamang pronunciation ng mga bagay-bagay. At nagmuka tuloy kaming conyo. Lol. At nagpapaturo siya sa akin ng tamang pag-budget sa pera niya. THE IRONY!!! Hahahaha! Eh ayun na nga, tapos humihingi siya ng powder. Dude, kalalaki mong tao, nagpopowder ka? At ayun na nga, kaya "BABAE AKO" ang title neto.


Prend: Raisa, may powder ka?
Ako: Hah? Wala.
Prend: Grabe, babae ka ba?

Ayan, ayan na nga ang conversation kanina. Meron pa noon eh. Pero iba't ibang tao at pangyayari na ito.

Situation #1
Prend: Raisa, may pabango ka?
Ako: Hah? Wala.
Prend: Grabe, babae ka ba?

Situation #2:
Prend: Raisa, may tissue ka ba?
Ako: Hah? Wala.
Prend: Grabe, babae ka ba?

Situation #3:
Prend: Raisa. may salamin ka ba?
Ako: Hah? Wala.
Prend: Grabe, babae ka ba?

Situation #4:
Prend: Raisa, may alcohol ka ba? Or hand sanitizer? (Para sosyal kunwari)
Ako: Hah? Wala.
Prend: Grabe, babae ka ba?

Situation #5:
Prend: Grabe, ang dami-dami mong doll shoes, bakit 'yang vans mo 'yung paulit-ulit mong suot?
Ako: ^__^

Situation #6:
Prend: Uy! Nakapang babae si Raisa! Sige, tawagin natin siyang "Scarlet". Tapos Raisa kapag nakapang boy siya.
Ako: (Grabe! Pang-boy? </3)

Actually madami pang mga pangyayari, pero 'yan lang kasi 'yung natatandaan ko.

Okay, una sa lahat. BABAE AKO! Tsss.. Porket wala lang akong "kikay kit", hindi na ako babae. BABAENG BABAE AKO! Pangalawa, comfortable ako sa rubber shoes dahil, comfortable lang talaga siyang suotin, AT, kapag naka doll shoes ka kasi, maarawan 'yung paa mo, at hindi na siya maputi, so ayun, ayoko ng maitim na paa! (Oh! sinong nagsabing hindi ako babae? Tssss.) Pangatlo, lagi akong naka t-shirt dahil, napaka comfortable niyang suotin, hindi siya fitted, ang sarap gumalaw-galaw.. At masayang mag black shirt dahil.. ehehe, wala kang pake kung anong kulay ng bra 'yung gusto mong suotin, rainbow colored? Sure! Why not! Hahahaha! At ayun nga, hindi lang talaga ako sanay mag make-up, mag powder, dahil, bakit? Waste of time right? Ang tunay na kagandahan ay nasa pag-uugali mo teh! (Sows, baka kasi kapag nagpa girl ako, nga nga kayo. SOBRANG JOOOOOOOOOOOOKE! Grabe, napaka-proud noon, JOKE LANG 'YUN HAH! Gusto ko lang bumanat. Pero hala, joke lang talaga 'yun.)

Isa pang rason kasi, since mas madaming lalaki sa school namin, at malamang, sila rin 'yung kasama mo lagi, minsan, sabay kayong naglalakad, diba ang awkward noon? Ikaw fully made-up tas 'yung kasama mo lalaki, anong iisipin ng mga tao? Magshota kayo? May date? Ganun? Diba? Kaya ayun, keep it simple, t-shirt  pants. Para walang issue. Hahaha!

At ayun nga, pero sabi noong isa kong kaibigan, try ko daw mag girly girly na damit. Wew. Oh sigey, challenge accepted. Nyahahaha! Woooo! Kaya mo 'yan Raisa.

Pero ayun, ang pagiging babae ay hindi nababase sa kakikayan, or sa pnanamit. Ang pagiging babae ay nababase sa pag-uugali. Ang babae, slave 'yan ng mga boys. Oo, hindi tayo feminist. Okay? Tanggapin na natin na kailangan nating mag-submit sa kanila. Dahil inordain 'yan ni Lord. Bawal ang under na lalaki. Dapat babae ang under. :) Gets? Gets. Okay. Apir! Gagawa na ako ng assignment ko. Madugo 'yung assignment ko. Oh sige. Bye.

Monday, November 18, 2013

Patintero

Na try mo ng makipag-patintero sa ipis? Ako kasi, oo. Kani-kanina lang, mga 1 minute ago. Kulang-kulang ata 'tong insektong 'to. Sinasalubong ako eh. Imbes na tumakbo palayo sa akin, lumalapit pa sa akin. Ayan tuloy, nakapag exercise ako ng di oras. Wahahahaha! Naku! Kung hindi lang ako takot sa 'yo, matagal ko ng inexterminate ang lahi mo. Kaso wala eh, lalo na kapag lumipad kayo. Hahahaha! (Teka, baka ikaw 'yung ipis na naka lips to lips ko? Lol joke. Hahahaha!)

KONTI NALANG!!!!

Yes! Konti nalang! (Mga one year pa) YEEEEEEEES! At hinding hindi na muli magpapagupit. :')

          







    

Malaya...

(Bakit Malaya? Kasi wala akong maisip na title, tapos, saktong 'yan 'yung title noong kantang pinapakinggan ko, so eh di 'yon nalangs)

So, habang ginagawa ko 'tong walang kwenta at walang patutunguan na blog entry, nandito ako sa terrace namin. Naglatag ako ng newspaper tapos ng foam, oh eh di instant tambayan. Hahahaha! Ang ganda kasi ng sikat ng araw eh, ang ganda ng sky, ang tahimik pa ng paligid, perfect weather. Tapos paulit-ulit kong pinapatugtog 'yung mga kanta ni Cynthia Alexander. (NASAAN AKO NOONG NANDITO KA PA SA PILIPINAS???? T____T BAKIT HINDI KO NALAMAN 'YANG AWESOME SONGS MO NOON??? T_____T)

Oh ayun nga, lumabas ako para maki - one with nature. CHOS! At oo, dahil diyan sa "one with nature" kong nalalaman, nangangati na ako. May kung anong insekto 'yung kumakagat sa akin so lumipat nalang ako ng pwesto. Naupo nalang ako sa upuan. Malamang, kaya nga inimbento 'yung upuan eh. -.-

Oo lumabas na rin ako para naman maiba  'yung environment ko. Nakakasawa na kasi sa kwarto ko eh. Kung hindi lang ako malaking dukwang, gusto kong mag camping sa labas. Wahahahaha! Kaso wala eh, scared. Tsk.

So sabi ko nga kanina, walang patutunguan 'tong blog na 'to. Dinivert ko lang 'yung attention ko para hindi ko kamutin 'yung kinagat nung langhiyang insekto na 'yun. Tas kaya nga sabi sa description ng blog na 'to "Mga random thoughts na gusto kong i-share, smiley face" Kaya asahan mo ng tambak na random na bagay 'to. Mmmmkay? Okay! Apir!

Sunday, November 17, 2013

OH SIGE!

"Grabe, ang boring naman ng wall ko. Oh sige, gawa tayo ng weirdong bagay tas isabit natin."






"Ang corny naman nung original na takip nitong lampshade ko, sige gawa tayo ng weirdong bagay na pangtakip dito"





















"Saan ko ilalagay 'tong mga pictures na 'to? Bakit wala kaming Christmas tree? Sigey, isabit natin dito."


Bakit?

Tatlong taon...



Tatlong taon akong naghintay...



Tatlong taon akong umasa...



Tatlong taon akong nananabik...



Bakit ngayon? Wala pa rin?



Sana naman, ma-pagtanto mo...



Sana ngayon, maramdaman mo...




Na kailangan ko 'yun ngayon...




Naalala mo noon? Isang sabi mo lang, meron na agad?




Bakit kapag ako... Wala.. Wala.. Wala...




Kapag sinabi ko sa 'yo na kailangan ko, ako pang masama? </3




'Wag ka sanang manhid...




'Wag ka sanang makasarili...



'Wag mo sanang kalimutan 'yung obligasyon mo...




Bayaran mo na sana...




'YUNG UTANG MO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! T____________________T




Parang-awa mo na. 'Wag bastos. T____T

Bogart returns

Kagabi!! (or kaninang umaga ata 'yun) nanaginip akooooooo! Pangitain yata? lol!

Napaniginipan (alam kong wrong spelling 'yan) ko na meron akong aso. Isang pug. At ang pangalan niya ay Bogart. Seryoso! Promise! Eeeeeeh... Ang cute cute lang kasi (ulit). Sa sobrang weirdness ng muka niya, ang cute cute na tuloy niya. <3 <3 <3 <3 <3 <3

Noon kasi, may nagpaalaga ng aso  kay dearsest cousin. Pug din siya, Kaylee 'yung pangalan. Ang sweet sweet lang niyang aso kasi... kasi... (iiyak na) noong nakaupo ako, sisingit talaga siya pagitan nung dalawa kong paa, tapos hihiga siya, tapos gagawin niyang unan 'yung isa kong paa.. :') ang sweet. hahaha!  wala lang..

Bogart the dog, (insert motto) HINTAYIN MO KAMI NI BOGART THE PERSIAN CAT. LOL!

(Oo, si Bogart the Persian cat muna 'yung uunahin ko.... mehehehe)


Saturday, November 16, 2013

Babalik ka rin pala eh.

Nahanap ko na si Memory Card reader! YEHEY! \(^__^)/
Nahanap ko siya kasi, kanina, hinahanap ko 'yung ballpen ko. Kaso hindi ko talaga siya mahanap, naiiyak na nga ako eh, kasi literal, hindi ko talaga siya mahanap. Ganun kasi ako minsan, hindi ko maalala kung saan ko binabababa 'yung mga bagay-bagay, kaya I always end up frustrated. Pero kanina, gusto ko na kasing basahin ulit 'yung librong pinahiram sa akin ni friend ko sa church, 'yung Lies Young Women Believe.



Tanong: Anong koneksyon ng nawawala mong ballpen sa pagbabasa ng libro? At isa pa, wala na bang ibang ballpen na pwedeng gamitin?

Sagot: Ako po ay nag ttake down notes sa binabasa kong libro, AT, maarte akong nilalang kaya isang ballpen lang ang ginagamit ko, g-tec na black, .4.



Kaya ayun, nag pray na talaga ako kay Lord na sana mahanap ko na 'yung ballpen ko.



Tanong: Anong koneksyon ng memory card reader mo, diyan sa ballpen mo?

Sagot: Teka nga kasi, patapusin mo muna ako.



Ayun nga, nagpray ako kay Lord na sana mahanap ko na si g-tec, eh di ayun, kalkal ng mga bagay-bagay, tapos, napatingin ako doon sa lalagyanan ng camera ni dearest cousin, eh di kinalkal ko, booom! Nakita ko si memory card reader, nandoon lang pala siya all the time. Pero hindi ko pa rin nakikita si ballpen. Pero, pinakita naman ni Lord si memory card, kaya ayos 'yun! Eh di ayun, tuloy sa paghahanap kay ballpen, tapos bigla kong naalala 'yung bag ko kahapon! Eh di agad kong kinalkal 'yung bag. (Oo na, burara na ako, oo na, hindi ako naglilinis ng bag :p) YEHEY! Nakita ko si ballpen!!! Thank you Lord! :')


At ayun. :) Ang alamat ng nawawalang memory card reader. Ang dami kong sinabi. Hahahaha! Eh bakit ba kasi! Natuwa nga ako sa mga pangyayari. lols

K.Bye

Wala eh, nasimulan ko sa post ko sa baba eh, ayan tuloy, ilalabas ko na ang saloobin ko. In english.

I find it funny and stupid when I see pictures of people drinking their coffee at SB. (Okay, hindi ko mapanindigan ang pag-eenglish kaya back to taglish tayo. lol. Naalala ko noon, kapag nagdadrama ako, english speaking ako eh, anyare kaya sa side ko na 'yun? hahaha)

Ayun na nga, sabi ko, mutanga sila! Eh bakit ba naman kasi kailangan mo pang picturan 'yung sarili mo? 'Yung iniinom mo? 'Yung muka mo plus 'yung iniinom mo? 'Yung muka mo, muka ng kaibigan mo, at 'yung iniinom niyo? Tapos 'yung caption mo, <insertdrinknamehere + latte> Like seriously? Okay fine, sige, reunion niyo ng friends mo, sige pagbigyan, pero iba na ung lagi-lagi nalang! Grabe! Hindi po studio ang SB. lol

Sabi nila, "coffee lover" sila. Weh? Eh bakit hindi mo picturan 'yung sarili mo habang umiinom ng 3in1 na kape? Tas lagyan mo ng caption na "Wala pa ring tatalo sa lasa ng 3in1"

Hindi ko naman sinasabi na masamang uminom ng kape sa SB. Sinasabi ko lang na, nagmumuka lang kasi kayong social climber. 'Yun lang. Buti sana kung sa OMG kayo nagkakape, sige! Keribels lang! ahahaha! Pero ayun nga, nagmumuka lang kayong trying hard at nagiging topic tuloy kayo ng mga taong walang social life....... tulad ko.... ako 'yun.... 'yung walang social life.... hahahaha!

...

Mga bata! Umaatake nanaman ang pagiging compulsive buyer ni ate Raisa! Sino ba naman ang hindi matutuwa sa 450 na 2014 planner? Napaka- astig naman kasi, kaya naman, kesa bumili ako ng napakaraming kape para lang maka-avail ng hindi masyadong magandang planner, 'yung napaka-astig na planner nalang 'yung bibilin ko! Free shipment pa! K.bye.

Friday, November 15, 2013

Fail

Full Volume




Earphones





Movie





Tawa




Tawa




Tawa




*pop*




Gulat




Gulat na gulat




Masakit sa pusong gulat




Fail




Loser



Disappointment




Lampa




Tsk




Tsk




Tsk

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

NASAAN 'YUNG MEMORY CARD READER KOOOOOOOO!?!?!?! NASAAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! T_________________T </3

AW

Ang dami-daming idea 'yung sumusulpot sa utak ko. Kaso wala akong resources. T________T
Kaya irerepost ko nalang 'yung nakita kong ewan sa news feed ko...
-------------------------

Boy: ASO ka ba?
.
.
Girl: Bakit?
.
.
Boy: Kasi sinaktan mo ko. :(
.
.
Girl: Asan ung aso dun?
.
.
.
.
.
Boy: AW

Thursday, November 14, 2013

KOBERPOTO

May cover photo ang blogger? Lol joke.

Wala eh, trip ko eh. Bakit ba? Hahaha!

"Sus, may tab ka pang 'Feeling Photographer', eh bakit 'yang 'cover photo' mo, ang loser lang ng dating?"

Sagot:
 Eh hindi nga ako photographer, feeling lang, kaya 'wag mong taasan 'yung expectations mo. Cellphone lang 'yung gamit ko dahil deadbat 'yung camera kong may talent sa macro shots. Oo, isang bwan ng deadbat 'yung camera ko pero hindi ko china-charge dahil tamad ako. At oo, may pinahiram na camera si dearest ate, kaso, hindi ko gamay, hindi pa kami close sa isa't-isa, gagawa palang kami ng bagong ala-ala mamaya. okey? Okay. Apir!

Wednesday, November 13, 2013

Nostalgic

Nakita ko 'yung Ang Sarap Dito ng Project 1. Nostalgic, grabeeeeh!. Hahaha! Noong una hindi ko pa maalala kung ano 'yung tune noong kanta, pero noong nag play na, okaaaay, alam na!

Dumaan kasi ako sa dark phase noong 3rd year high school ako. Literal, depressed ako ng mga panahon na 'yun. Nawalan ako ng "purpose" sa buhay. NAWALAN AKO NG GANANG MABUHAY. For short, naging robot ako. Wala, gumigising ako para pumasok sa school, uuwi ako, para matulog. Sobrang stressed ako sa school. Umagang-umaga, bored na bored ka na, sabayan pa ng hindi mo maintindihan 'yung lessons. Science Class ako, nasa amin ang pressure. Kailangang 85 and above 'yung grade mo, or else, mapapatalsik ka at mapupunta ka sa regular class (HINDI KO SILA NILALAIT). Nakakahiyang mangyari 'yun. Noon, iniiyakan ko 'yung mga projects na hindi ko matapos-tapos. Iniiyakan ko kung hindi name-meet ng expactations ko 'yung output ko. Iniiyakan ko 'yung mga sleepless nights. Exams na bukas, tambak pa rin 'yung projects niyo. Pakiramdam ko noon, na deprive ako ng matinong childhood. Nag elementary ako sa SPED, nasa fast learner group ako. Grade one ako, namulat na 'yung mga mata ko na grades ang basehan ng pagkatao ng isang tao. Kapag hindi mo na-perfect 'yung quiz mo, bobo ka. Kapag wala ka sa top 10, bobo ka. Kapag 80 'yung grade mo, bobo ka. Kapag hindi mo ka-close 'yung adviser mo, sakto lang, ibig sabihin noon, hindi ka sipsip. Naasar ako sa mga sipsip. Doon kase minsan nababase 'yung grade mo. Oo, nag flashback laht ng mga 'yan. Sinisi ko na lahat ng pwedeng sisihin. Noong 3rd year ako, wala akong plano sa buhay. Naranasan ko 'yung sobrang kalungkutan. Pakiramdam ko, mag-isa lang ako. Sa mga oras na 'yun, nasa boarderline ako ng pagiging Atheist. Kinwestion ko ang existence ni God, kung totoo bang may Diyos? Totoo ba siya? Kung totoo siya, bakit ako nalulungkot?

 NGAYON, ALAM KO NA KUNG BAKIT AKO MALUNGKOT NOON, KUNG BAKIT NAPAKA-MISERABLE KO. KINALIMUTAN KO KASING MAY DIYOS NA NAGMAMAHAL SA AKIN, MAY DIYOS NA SA SOBRANG PAGMAMAHAL SA AKIN, PINADALA NIYA 'YUNG ANAK NIYA, PARA MAMATAY SA LUGAR KO. Nagdepend ako sa sarili kong lakas. Nagdepend ako sa tao. Nagdepend ako sa grades. Nagdepend ako sa mga bagay-bagay.At ayun nga, ngayon, naliwanagan na ako ng wagas. At kahit kailan man, hindi na ulit ako tutungtong sa kadiliman. (waaaaaaaaaa.. ang deeeeeeeeeeeeep)


Sa Jeep

Babala: Nagpapaka-deep 'yung taong guamawa neeetoooo. Hahahaha!

Nakatitig ako sa mga tao sa jeep. Pinagmamasdan ko ang bawat isa sa kanila. Bumubuo ng konklusyon base sa mga obserbasyon ko.

Una, may mga taong nagkalat ang mga gamit, sige teh! kunwari bahay mo 'to, feel at home lang teh.

Pangalawa, nagkalat din 'yung mga anak nila. Hala, ading, pwede ka bang umusod kahit konti? Uupo si ate, 'wag mong angkinin 'yung buong space. Solomot. Tas halika dito punasan natin 'yang sipon mo at 'yang ice cream na nagkalat sa muka mo.

Pangatlo, meron at meron talagang pasahero sa jeep na ayaw umusod. 'Yung feeling ata niya, may photo shoot kaya kelangang naka side-view siya. At 'yung mahabang buhok niya, kelangan talagang nagpapadala sa hangin, kaya sige, nahampas na ng buhok niya 'yung muka mo. (uy, ang sakit kayang mahampas ng buhok sa muka.. T__T Naalala ko lang bigla, noong may dreads pa ako, nahampas ko 'yung katabi ko ng dreads ko. Wahahahaha! Natakot kaya siya ng mga oras na 'yun? Hmmmm...)

Pang-apat, meron ding deadma kapag magbabayad ka. BAYAD PO! BAYAD PO! Ate, pakiabot naman po oh, hindi po ako si lastikman, at 'wag ka po sanang umirap kung sa 'yo po namin inaabot 'yung bayad, GINUSTO MO 'YAN EH! GINUSTO MO 'YANG PWESTO MO, PANINDIGAN TEH, PANINDIGAN MO.

Pang lima, kung may deadma, may ever so helpful person din naman. Siya 'yung ever so energetic sa pag-abot ng bayad, sa pagsabi kung ilan 'yung nagbayad, kung ano 'yung status nung nagbayad, kung studyante ba or senior. Siya rin 'yung sisigaw ng "PARA DAW!" Kung bingi si manong driver. Siya din 'yung tipo ng tao na, isasacrifice 'yung comfortable spot niya, para lang makaupo ka. :')

Pang-anim, meron 'yung antukin. 'Yung kung makasandal sa 'yo parang shota mo. Hala, PDA lang masyado? Wahahahahaha!

Pang-pito, 'yung mga walang pake sa mundo. Sige text lang ng text kahit siksikan na kayo. Ayaw umurong (parang si number 3) kahit na siksikan na kayo. Wala siyang pake kung na-viviolate na niya 'yung space mo (naks, ang arte). Wala siyang pake kung 'yung bag niya, kalong mo na. Wala siyang pake kung sinasampal ka na nung 3 years old niyang anak.

Pang-walo, meron 'yung kung makipag-usap parang sila lang 'yung tao sa buong mundo. Alam mo na tuloy 'yung biography nung anak ng pinsan ng pamangkin ng kapitbahay ng asawa ng lola niya. Tsk.

Pang-siyam, at meron din 'yung naiiritang pasahero, tulad ng mga taong nagsusulat ng ganito. Feeling mayaman, eh di mag-taxi ka kung naiirita ka sa mga kasabay mo sa jeep! Pasalamat ka nga, may jeep kayo eh. Pare-parehas lang tayong nagbabayad, kaya may karapatan tayong gawin kung ano man ang gustuhin mo sa loob ng jeep, bahala ka na kung paano mo i-iinterpret 'yun. NAAAAKS, wala akong naintindihan sa tinype ko.LOLS!


Tuesday, November 12, 2013

BOGART part III

Okay, since mejo wala ako sa mood gumalaw. Literal. Nakatitig sa kawalan. Nagkalat 'yung mga gamit sa paligid ko at nagkalat na ang luha sa aking muka. Naisip kong maghanap ng Bogart sa FB. YEHEY! At hindi naman ako nabigo. Madami sila, kaso may isang Bogart na nakakuha ng attention ko. Si Bogart na ito ay nag sskateboard, at surprisingly, may picture din siya sa pinuntahan ko noong nasa Makati ako. BOGART! Sa may Boni High Street 'yan ah! HINTAYIN MO AKO BOGART, magkikita din tayo. Wahahahahahahahahaha! (nilibang ko 'yung sarili ko, humahagulgol na kasi ako sa If Only eh </3 )

MeowMeowMeow

Sabi ko noon, ayoko ng pusa, sabi ko noon team aso ako forever. PERO JOKE LANG PALA 'YUN! Siguro, ito na nga 'yun, "The Adventure of Crazy Cat Lady Begins". Meron akong nakitang pusa, 'yung persian cat (lol ang arte). Ang cute lang. Eeeeeh. Nakakagigil. Binasa ko 'yung profile ng persian cats, isa siyang mabait na pusa, hindi siya umaakyat sa mga bagay-bagay, hindi siya destructive, malambing, batugan. Grabe, perfect match kami nun. T___T GUSTO KO NG PUSA! Tapos papangalan ko siyang (dramatic pause) BOGART. BOGART! Hindi man mag propser ang Meteorologist career ko, meron ka naman, lols. Bogart, hintayin mo ako. :) Pangako. (NAKS.. bwahahahahaha!)

WAAAAAA.. Ang cute niyaaaaaa.. Parang sabi niya "Anong tinitingin tingin mo? Doon, doon ka, 'wag mo akong guluhin. Go away human, go away"

(nahalbat ko lang 'yung picture sa internets... source: http://dogsocats.com/persian-cat.html)

Monday, November 11, 2013

Masungit Daw Ako?

Sabi nila, ang sungit ko daw kanina. Masungit na ba 'to?

Groupmate #1: Uy, Raisa, aalis na sila.
Ako: Hah? Bakit? Saan sila pupunta?
Groupmate #1: Uuwi na daw?
Ako: Bakit? Bakit sila uuwi?
Groupmate #1: Uwi na daw sila. Bukas nalang daw natin kausapin si ma'am.
Ako: Bakit sila uuwi? Diba sabi ko hihintayin natin si ma'am? Ang lapit-lapit ng bahay nila, uuwi agad? Tapos ano, mag rurush nanaman tayo sa finals?

Sows, hindi 'yun masungit, sinasabi ko lang 'yung point ko. Kung puro nalang procrastination 'yung gagawin namin, eh di wala kaming mapapala. Full effort na ngang mang-encourage 'yung instructor namin para ayusin 'yung thesis namin ngayong sem na 'to, wala pa rin epekto sa kanila. T__T Sabi nga niya, kulang kami sa commitment. Kulang kami sa disiplina. Kulang kami sa lahat-lahat, kaya ayun, epic fail 'yung thesis 1 namin. KASO, WALA PA RIN SILANG GINAGAWA. HINDI SILA GUMAGALAW. </3

Hangal

"Batuhin mo kaya si chorvaness nung copy ng println, tapos dun sa entry mo lagyan mo ng bookmark"

'Yung produkto ng kadramahan ko, meron din palang napapala. Bwahahaha! Nakita ko 'yung entry ko sa PrintLn, 'yung publication chorvaness sa school/department namin. Natatawa ako kasi ang corny nung mga pangalan na ginamit ko (oo, dalawa kasi 'yung entry ko at parehas silang nasama at OO, LAST YEAR KO PA PINASA 'YUNG ENTRY KO, grabe! isang taon teh? isang taon? lol) Sana 'yung totoong pangalan ko nalang 'yung ginamit ko. PARA MAGKAALAMAN NA. JOOOOOOOOOOOOOKE! Eh di napaka obvious na noon. Hahaha! Mga title ba naman kasi "Para kay long hair" "Para kay crush" Tsk.. Amps raisa!!!! Uy pero, noong pinakita ko 'yun kay prend#1 at prend#2 sabi nila "Wow, Raisa, ang emo mo ah! laslas ka na" wahahaha! pero na-appreciate nila at kinilig naman sila, lols,at may quotable quotes daw silang napupulot. nyahahahaha! Tapos, 'yung mga drama lines sa entry mo, lalagyan talaga ng emphasis, ayun, pwede ng pang-gm.. hahaha! At nalaman kong nagkalat pala ang emo sa SCIS.. wahahahaha! At nakakatawa kasi, 90% tungkol sa mga kasawian, sa mga feelings para kay crush na hindi mo masabi, ayun, KAHIBANGAN SA AKALA MONG "PAG-IBIG."


Sunday, November 10, 2013

KOPIKOPIKOPIKOPIKOPI

OO, all caps 'yan. DAHIL, sa libre ni prend#1. Malamang libre, eh di patulan.

Ako, Prend#1, Prend#2 nakaupo. Nakatulala.
Prend#1: Tarang CJH, tarang SB. Libre ko.
Prend#2 at ako: (Sabay tayo) TARA!

Oo, timawa kasi kami kaya ganun 'yung reaction namin.

Pagdating namin sa CJH, eh di nag order na siya. Actually, pangalawang beses ko palang pumunta sa SB. SORRY HAH! TIMAWA NGA KASI AKO! (Hala, defensive, inaano ba kita?) <-- bangag. At ayun, paglabas ni Prend#1 (sa labas kasi kami umupo) may dala siyang TATLONG HIGANTENG KAPE, hindi ako familiar sa sizes ng SB, basta kung sa evolution ng Pokemon, diba meron si Bulbasaur, Ivysaur at Venusaur, si  Venusaur 'yung binili niya. Napasabi nalang kami ni Prend#2 ng "Wow, Prend#1! Yaman mo talaga!" Ang dami naming nakita sa SB, nagkalat ang mga conyo. Like totoo siya, akala ko kasi before, isa lang siyang, what do you call that again? Ayun, "haka-haka" ng mga tao sa paligid, pero it's true talaga. It's so nakaka-irita if you're there na! Like, promise! Wahahahaha! Tapos napa-conclude pa talaga kami eh. "Totoo ngang merong hipster sa SB" lol

Ayun. Matapos laklakin 'yung ka-Venusaur size na kape, bumalik na akong school kasama si Prend#2, natawa nga ako sa conversation namin eh.

Ako: Uy, Prend#2, nasusuka ako.
Prend#2: Ako rin. (sabay tawa)
Ako: Uy, seryoso. T___T
Prend#2: Tara munang Silang tas suka tayo doon.
Ako: Hindi, AYOKO! Mamaya kung anong issue 'yung sasabihin nila, "Hala! May nagsusuka sa CR, buntis kaya?"

Diba? Porket nagususka buntis agad? Hindi ba pwedeng lumaklak lang talaga ng ka-Venusaur size na kape??? T___T Mga mapanghusga kayo. lols

At ayun na nga, sobrang bilis ng puso ko, ayokong mag stay put sa isang lugar habang hinihintay ko 'yung reply ng mga kaibigan ko. Nilibot ko ang buong SLU, literal, tapos pumunta ako sa Main gate ng school namin, PERO, sobrang haba nung route na pinili ko, dahil lumabas pa ako ng school. HAHAHA! Habang naglalakad ako, pakiramdam ko, hinang hina na ako, PERO HINDI! Go pa rin ako ng GO! Iniisip ko nga, paano kung mahimatay ako? Sus ok lang, eh di dalin ako sa hospital, kalapit ng SLU hospital. hahaha!

Ayun, bangag si Raisa. PERO, iba pa rin 'yung kape na tinira ko sa "kopikopikopi". Iba 'yun pre.. Iba 'yun. Hahaha!

Wednesday, November 6, 2013

kopikopikopikopikopikopi

Raisa + Coffee = Kabangagan
Raisa + Coffee = Hyperactiveness
Raisa + Coffee = Nagsasalita ng nonsense na bagay
Raisa + Coffee = Nakakaisip ng mga ideas
Raisa + Coffee = Kumakapal ang muka
Raisa + Coffee = Lumalakas ang loob
Raisa + Coffee = Hindi ma-explain ang nararamdaman
Raisa + Coffee = Nagiging deep. Deep thoughts. Self reflection time.
Raisa + Coffee = Naiisip 'yung mga kasalanang nagawa sa buong buhay niya. (At maalala na, tapos na 'yun, nakaraan na 'yan, napatawad ka na ni Lord. :) )
Raisa + Coffee =  Kinakabahan sa mga mangyayari sa buhay niya. (At maaala ulit na, kalma lang, na-ordain na ni Lord ang mga pangyayari sa buhay ko, tiwala lang kay Lord :) )
Raisa + Coffee = Gising hanggang umaga
Raisa + Coffee = Gagamitin ko 'tong energy ko na 'to para magbasa ng "What is a healthy church member"

Tuesday, November 5, 2013

Si Bogart

Napaisip ako bigla, saan ba nila kinukuha 'yung mga pangalan ng bagyo. Tapos naalala ko, oo nga pala, naka line-up na 'yung mga pangalan, meron atang naka ready for 3 years eh. Tapos tinanong ko si mama, saan nang gagaling 'yung pangalan ng bagyo? Tapos sabi niya, pinapadala daw pala ng mga mamamayan ng Pilipinas. Tapos, may naisip ako. Kung ako naging meteorologist, ipipilit ko 'yung " Bagyong BOGART." Ang astig kaya. " Nasa Philippine Area of Responsibility na po si Bagyong BOGART." Grabe, Bogart, hintayin mo lang ako. Hahahaha!

=======================

Habang naglilinis ako ng kwarto, oo, dahil nga gusto ko ng alisin 'yung mga bagay na hindi kailangan dito, at para naman magmuka siyang kwarto ng babae. Hahaha! Aayusin ko na siya. Basta. Ayun nga, naglilinis ako ng kwarto ko, at na-distract ako sa mga bagay na nakita ko. Expected naman eh, kaya ayokong maglinis ng kwarto ko, hindi ako nakakatapos. lol


Itong kisses na ito, grade 4 pa ako niyan. Naniniwala kasi kami noon, na nanganganak ang kisses at balak naming magparami nito, para sikat ka. Every week, lagi kong nilalagyan ng powder kasi, naniniwala kami na 'yan 'yung pagkain nila. Meron pang anatomy ang kisses, kapag payat, lalaki, kapag mataba, babae. Oo buntis daw kasi. Wahahahaha! Grabe, 10 years na pala 'to, at mabango pa rin siya. Astig, kaya ipapamana ko 'to sa anak ko, sabay sabi ng "Igalang mo 'yan, mas matanda pa sa 'yo 'yan." (Blurred lang, tinatamad akong gamitin ung digicam ko na may ultra super astig na macro shot talent.. hahahahahaha)





Totoo talaga 'yung theory ko na kapag nilalagnat ka, hindi mo kailangang uminom ng gamot, dahil gagaling at gagaling ka. Naalala ko, may pneumonia ako noon. Mahal noong gamot, as in. Pero dahil ang pangit ng lasa, hindi ko siya iniinom, alam mo ba na gumaling ako? Hahaha..





High school ako nito, ito 'yung mga panahon na crush na crush namin si Sasuke. Speaking of crush, matagal akong makaget-over sa mga crush ko sa anime. LOL. Naalala ko, ang una kong naging crush ay si Mojako. Wahahahaha! Joke lang. Ang una kong crush ay si Vincent ng ghost fighter. Tapos sinundan na nila Sasuke, Natsume (Alice Academy), Kaname (Vampire Knight), Usui (Kaichou Wa Maid Sama), tapos si LANCE CORPORAL LEVI (siguro after 1 year, babalikan ko 'tong blog ko, mapapa face palm nalang ako sa mga pinagsususulat ko dito.) Ang hilig ko pala sa mga manhid, 'yung walang emosyon, mga pa-mysterious effect. Hahahaha! T__T mahid.. lol </3








High School, ewan ko, natripan kong gumawa ng ganyan. Hahahaha! Parang epidemya 'yan eh, halos lahat kami, gumagawa ng ganyan.











Masyado kong kinarir ang paggawa ng sci-damath chips. May grade eh, baka sakaling ma-impress si sir, dahil masyado kong kinakarir ang Pre-Calculus namin, tapos sasabihin niya "WOW! KINARIR NI RAISA, SIGE IPAPASA KO NA NGA 'TO!"






Bato. Mga bato. Nagkalat na bato. Ewan ko kung saan ko 'to nakuha, at kung bakit. (Dahil, astig 'yung bato? Different colors? At dahil pinangarap ko ring maging Archeologist noon? PERO, naalala ko lang, noong bata ako (sabi din ni inay), nangongolekta ako ng mga bato tapos itatago ko sa drawer ko, DAHIL, ayon sa aking sariling theory, magiging ginto daw 'to. EWAN KO kung saan ko nakalap 'yang impormasyon na 'yan pero ayun nga, nasa sub-consciousness ko na yata 'yung mamulot ng bato.

===============

Ang dami ko nanamang sinabi. Sige Raisa, mag type ka pa, anong oras na, hindi ka pa rin tapos maglinis ng kwarto moooooooo.. Mag focus ka kasi... FOOOOOOOCUUUUUUUUUSSSSSSSSSSSS...




Kanan

Kanina, nakita nanaman kita! Kausap ko kasi 'yung ka-group ko sa thesis. Tapos, sabi niya "Si blablabla oh!" Akala ko naman si blablabla talaga, eh di napaka energetic ko tuloy tumingin. Tapos pag-lingon ko, hindi naman! T__T Alam mo bang ikaw 'yung tinuro niya? Kinilig ako ng di oras. Oo, napatawa ng malakas tapos napangiti ng wagas. T____T Sabi kasing hindi na eh. 'Wag ka na kasing pakalat-kalat sa 5th floor ng Silang ng mga 7:30 - 10:30 forever. Okey? Hahaha! Magseselos kasi si, <dramatic pause> Lance Corporal Levi. Nyahahahaha! Tapos kanina, dumaan pa kami sa ILI-LIKHA, alam mo bang naalala ko 'yung mga panahon na inayos mo 'yung dreads ko? lols. Tapos 'yung muka mo noong sumilip ako doon sa entrance ng ILI-LIKHA, 'yung nakaupo ka tapos kalong mo 'yung pusa, tapos gumagawa ka ng bracelet, tapos mejo ngumiti ka tapos sabay tayo ka tapos sabi mo "tara sa baba." Tapos, sinundan lang kita, tapos inyaos mo na 'yung dreads ko, tapos sabi mo "Hindi ka naman nagmamadali diba?" Tapos 'yung tawanan natin, tapos 'yung mga awkward silence, tapos noong sabay tayong bumalik sa school, kinwento mo 'yung kaibigan mo na nakadreads din, tapos sabi mo bibigyan mo ako ng shell na pang decorate sa dreads ko (hinintay ko 'yun pero wala naman na.. T__T lols) tapos noong nag babay na ako sa 'yo, nakipag eye to eye contact ka pa, tapos sabi mo "Ingat ka." T_____T

Pero, sinayang ko lang 'yung brain cells ko sa 'yo, kasi napakadami ko pa dapat gawin at isipin, eh di sana nag mememorize nalang ako ng memory verse, pero hindi, 'yung mga "hanggang tingin" moments 'yung na mememorize ko. Imbes na nag-aaral ako, hindi, 'yang mga ngiti mo 'yung naaalala ko. Kaya ayun nga. Tama na. Tama na Raisa. Behave. Disiplina sa sarili. Kaya mo 'yan. Sabi nga ni Joshua Harris:

"For example, if the person you're thinking about isn't a Christian or HAS A QUESTIONABLE FAITH, stop in your tracks."

" After placing God first in our lives, we need to continue to AVOID infatuation by resolving to,NOT FEED ATTRACTION. Don't nurse a crush!"

Sunday, November 3, 2013

PogiPogiPogi

Kaya ayokong manuod ng anime dahil for sure, meron at meron akong magiging crush doon. T___T LOL! At ayun na nga, nabihag na ni Lance Corporal Levi ang aking puso. Wahahahaha! CORNY MO RAISA!

Mamatay na ang lahat ng character sa Attack on Titans, (oo, kahit na umiyak ako noong joke na namatay si Eren) 'wag lang si Levi. Wahahahahahahaha! Oo kapag kasi namatay siya, itatapon ko 'yung laptop ko.

<--- Grabe, ang pogi talaga <3 lol

(p.s. walang may karapatang mag cosplay sa kanya, dahil binababoy nila ang katauhan ni Lance Corporal Levi. Hindi sila pogi. Wala ng mas popogi sa kanya. Amps. Hahahaha!)