Obvious naman sa title. Hahahaha! For the past years (oo, plural talaga) kasi, hindi ko napapansin, na I'm struggling with my walk with God, until one day, nagising nalang ako sa katotohanan. 'Yung tipong wake up call na malupit! 'Yung basta, parang biglang nahampas ka. Hindi ko ma-explain eh. At ayun, doon ko na-realize na isa talaga akong makasalanang nilalang, at sa hell lang talaga dapat ang destination ko. 'Yung maiiisip mo na, nakayanan mong gawin 'yung mga kasalanan na 'yun knowing na may Diyos na nakaka-alam ng lahat ng mga pinag gagagawa mo. Tapos, 'yung Diyos na 'yun ay Holy, ayaw niya sa kasalanan, it does not please Him. Napaisip tuloy ako..
"ANONG GINAGAWA KO SA BUHAY KO? TAMA BA 'TO?"
Oo parang hampas sa muka 'yan. Parang napana ka ng madaming madaming beses, 'yung tipong tagos talaga. At ayun, napaiyak nalang ako. Biglaan dude! Nandiri sa sarili ako. At napaluhod. Humingi ng tawad sa Diyos. Isa akong makasalanang nilalang, at hindi ko deserve 'yung pagmamahal at pagpapatawad Niya. Pero, mapagmahal na Diyos si God eh. Naalala ko na, bumababa dito si Jesus Christ, para mamatay sa mga kasalanan natin. (Oh sige, ikaw, iaalay mo ba 'yung buhay mo para sa taong kung laiitin at awayin ka ay wagas?) Doon ko na-realize na, wagas talaga 'yung pagmamahal ni Lord. As in. Sobra. At doon ko na realize na... since Jesus died for me, I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I now live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me. (Galatians 2:20) Oras na para i-give up ang mga bagay na hindi pleasing kay Lord. OO MAHIRAP, MAHIRAP TALAGA, pero nandiyan naman si Lord para gabayan ako at bigyan ng lakas ng loob. Hindi niya ako iiwan sa ere. Tatapusin niya kung ano ang sinimulan niya sa buhay ko. Ito na, ipupush ko na talaga 'to. hahahaha! ^_^
No comments:
Post a Comment