Friday, September 27, 2013

Kanlungan

Ngayon ko lang nasabi sa kuya ko na pinsan ko ang ganyang klaseng mensahe.. Wahahahaha! Hindi naman talaga 'yung pinaglumaan na phone niya 'yung habol ko, wala lang, totoo naman kasi na nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan niya ako ng isang pinsan na tulad niya. :') Isang pinsan na tinitingala ko, na parang totoong kuya ko.. T___T drama moments. Ewan ko lang, kasi siguro namimiss ko na sila? Namimiss ko 'yung mga panahon na nandito pa sila sa Baguio, tapos magkakasama kami? T______T (Grabe, ano bang epekto nung pagka-untog ko kanina at nagda-drama ako ngayon? Hahaha!) 'Yung naiiisip mo na, "Hala, oo nga, tumatanda na tayo" tapos biglang maiisip mo 'yung Kanlungan ni Noel Cabangon, tas hahanapin mo sa files mo, tas papatugtugin mo, tas magsesenti ka nalang bigla. Tas bigla ka nalang iiyak.

Eh kasi naman, ang bilis bilis ng panahon. Parang kahapon lang noong pinapaiyak ka niya, halos lumuwa na 'yung mata mo sa kakaiyak, magkanda suka ka na sa kakangawa, halos isumpa mo siya dahil sa pang-aasar niya, tas ngayon, may ganyang effect na! Hahahaha! Wala lang nakakamiss lang.

Magkkwento ako, trip ko 'to. Walang aangal.
1. Naalala ko noon, halos sa kanila na ako tumira. Pagkagising ko, kakain lang ako, tapos hindi pa ako naghihilamos, pupunta na ako sa bahay nung mga pinsan ko. (Kapitbahay lang kasi namin sila.)

2. Meron 'yung time na, bumaba sila ng Batangas, siguro Grade 1 ako niyan, hala, naiiyak na ako noon, ewan ko pero kasi feeling ko mamimiss ko sila ng sobra.. T___T Tas may sinulat pa 'yung isa kong ate. Na-touch ako masyado. Hahaha! Drama moments ako nun sa kwarto ko.

   

3. Naalala ko noong grade 2 ako, pinilit ko si Ate Tin na bumili ng Cassette Tape ng Linkin Park, Hybrid Theory un eh, Php250 lang kasi 'yung tape, tas Php500 kasi 'yung CD. Hahaha! Ewan ko pero, trip ko na sila noon pa. Kasi natuwa ako sa piano part ng In The End? Hahaha! Tas 'yung masaya siyempre, hihintayin mong dumating sa favorite song mo, wala naman kasi remote para ilipat doon sa favorite song mo, so ayun, napakinggan ko 'yung iba nilang songs, naging 2nd favorite song ko tuloy 'yung Papercut.

4. "Baliw lang ang kumukuha ng Accountancy" sabi ni Ate Tin, kaya hindi Accountancy 'yung kinuha ko.

5. "Mag Computer Science ka, kasi tuturuan ka nilang mag assemble ng computer" Sabi ni Ate Cel, kaya Comp Sci kinuha ko. (At medyo madami pang reasons behind it) At isang kasinungalingan na Comp Sci lang ang tinuturuan mag assemble ng computer. Pati kaya IT meron, doon sa subject na "Computer Architecture" (kung saan Wikipedia ang gamit ng instructor niyo habang nag lelecture, oo, Wiki talaga, direct from the web.)

6. Kapag bumababa kami sa Bulacan, gamit namin 'yung sasakyan nila. FX pa 'yun noon eh, tas medyo siksikan kasi 5 sila, tas 2 kami ni mama, so bale pitong tao na nagsisiksikan sa FX. Masaya naman kasi nga kwentuhan. tawanan, tas meron 'yung time, si kuya ko, from Kennon to La Union, walang ginawa kundi kantahin 'yung ABCD. Oo ilang oras din 'yun, tapos ewan ko, napagod na yata siya? Bigla nalang tumahimik kasi nakatulog na pala siya. Meron din 'yung panahon na kinanta niya 'yung "Tong tong tong pakitongkitong, alimango, sa dagat, masarap at..." nakalimutan ko na 'yung lyrics. Oo, basta 'yun, lahat ng vowels paulit-ulit. example:
A - Tang tang tang pakitang-kitang alamanga sa dagat
E - Teng teng teng pakiteng..
I - Ting ting ting..

Gets mo na.. Hahaha! Paulit-ulit 'yan. Hanggang magsawa siya. Hahahaha! Meron din 'yung "May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay" Basta kwento ng pulis na kumain ng pansit sa ilalim ng tulay na namatay dahil na food poison.

========

Wala na akong maisip. Hahahaha! Pero alam kong madami pa 'yan. :D

Tapos ayun nga, graduate na sila, may trabaho na, nasa Manila na, iniwan na nila ako dito. T___T haha. Eh kaya ayun, nakakamiss. Kaya kapag umuuwi sila dito sa Baguio, todo bonding. Nagpapalibre ako, kasi nga, sulitin diba? Hahahaha! Spoiled ata ako sa mga pinsan ko? Oo, pero ayun, minsan nahihiya din naman ako noh. hahaha! Totoo pala 'yung, kapag nawala na, doon mo mamimiss. Grabe ang random ko ngayon. Drama to random.. hahaha.. wew.

Pero ayun nga, wala nga akong kapatid, pero ni-bless naman ako ni God ng mga pinsan na parang kapatid ko na rin. ^_^



Hindi ko alam 'yung title...

Kanina, first time kong ma-drop 'yung classcard! Wahahahaha! Oo, sa apat na taon ko sa school ko, ngayon ko lang naranasang kumuha ng na-drop na classcard sa SAO. Medyo kinabahan ako, pero sakto lang naman. Tapos konti lang 'yung mga tao dun, kaya wala pang 10 minutes nabawi ko na rin si classcard. Meron kasi 'yung mga panahon na SOBRANG HABA ng pila doon, parang pila lang sa girl's CR.. wahahaha! (Bakit nga ba lagi nalang may pila sa banyo ng girls noh?)

Ganun pala 'yun... Pupunta ka sa SAO, tapos..

Ako: Ate? Na-drop po ata 'yung classcard ko?
Ate: Ammm, tignan mo nalang po sa list.

Pumunta ako sa listahan kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga batang tamad pumasok at hindi pinapahalagahan ang tuition fee na pinaghirapan ng mga magulang nila.

Mejo natuwa ako kasi, "Uy! 'Yung pangalan ko! Nakita ko! Sana ganito rin sa probable list of graduates noh?" Tapos pumunta ako kay ate..

Ako: Ate, nandun po..

Kinuha ni ate 'yung ID ko, tapos hinanap na niya 'yung classcard ko, tapos nakita niya. Tapos inabot niya sa akin 'yung papel, nandun 'yung number of absence ko, tapos pinasulat sa akin 'yung reasons kung bakit ako absent. Tapos sinulat ko sa iba "Not feeling well" kasi totoo naman, tapos nagtanong na ako, kasi hindi ko na alam 'yung isusulat ko. Sabi ko,

Ako: Ammm, paano po kung hindi ko na matandaan 'yung reason?
Ate: Kung Laziness po, ayos lang naman po, 'wag nating ikahiya 'yun

Eh di ayun, sinulat ko sa iba, well mostly, LAZINESS, eh totoo naman kasi, nakakatamad.. wahahahahaha! Tas 'wag daw ikahiya. OK. Hahahaha!

Tas ayun, pinrocess ung classcard ko, tapos sabi sa akin ni ma'am.

"Oh, Miss R******, 8 absents ka na, warning na 'to hah."

Tas ayun, ngiti nalang ako, tas tango, tapos ayun, kapiling ko na muli si classcard ko. Tapos bumalik na ako sa classroom, tapos inabot ko kay teacher ko 'yung classcard ko, tapos sinabi ko sa sarili ko na "HINDI NA PO AKO AABSENT MULI SA MGA KLASE KO." ^_^ Kasi, diba? Boring nga, pero binayran mo 'yun eh! Pera 'yun ng mga magulang mo, tapos isipin mo nalang, may mga bata diyan na hindi nakakapag-aral, tapos ikaw, pa-absent absent, kasi tinatamad ka. Diba? Napaka, ano lang, ano, napaka insensitive, selfish, maarte, tamad, pasaway,etc... Kaya ayun, hindi na ako mag-aabsent. Tapos titigil na muna ako sa pagttype kahit na ang dami ko pa sanang gustong ikwento, dahil, masakit 'yung ulo ko? Kasi nauntog ako kanina? Sino ako? Sino kayo? Ano 'tong tina-type ko? Marunong akong magtype? Anong ka-cornyhan 'to?Wahahaha! Uy pero seryoso, masakit siya, magpapa CT Scan na ba ako? Di naman 'to nakakamatay diba? Wahahahaha! paranoid..


Sorry na sa pangit na pagpicture. Naglalakad kasi ako niyan eh noong pinicturan ko.. hehe..

Wednesday, September 25, 2013

Abseeeeeent!!

Tuwing MWF kasi, nagmimistulang drawing class at literature class 'yung subjects ko ng 10:30-11:30 at 4:00 - 5:00, kahit na wala naman talagang koneksyon sa drawing at literature 'yung mga subjects na 'yan. Eh paano ba naman kasi, napaka-boring. v^_^ Eh malamang, 'yung isip ko na NAPAKADALING ANTUKIN at NAPAKADALING MA-DISTRACT sa kapaligiran ay naghahanap ng malilibangan. Hahaha! Sa mga oras na 'yun nagigising 'yung pagiging makata ko. Hahahaha! 'Yung hindi mo namamalayan, nag-ddrawing ka nalang ng mga random na bagay sa notebook mo. Ganun. Kaya minsan, mas pinipili ko nalang mag-absent, tulad ngayong araw na 'to, hindi ako pumasok ng 4-5 class ko dahil, may mas makubuluhang bagay akong gustong gawin. 'Yung 'yung sundin ang nais ko sa buhay patungo sa mas maunlad na kinabukasan. Wahahahaha! Palusot. Kade, nag-absent ako kasi tinatamad ako. Mas pinili ko nalang mag-bake, kesa pumasok. Nyahahahaha! Oo, mahilig akong mag-bake, di lang halata. hehe.


So kanina, gumawa ako ng vanilla cupcakes, at feeling ko, mejo na perfect ko na siya. MEDYO lang, walang aangal, compared doon sa first trial ko. Grabe, sobrang fail noon. Hahaha.. Tapos wala lang, trip ko lang picturan, at blog ko 'to, magpopost ako ng mga gusto ko. :p At ang trip ko ay "Makuha ka sa tingin, self explanatory.." hahahaha!









































Tuesday, September 24, 2013

Donasyon

May tita kasi ako na nasa ibang bansa, at isa siyang MAPAGBIGAY NA NILALANG. Grabe as in. All to give 'yung tita ko na 'yun. Kaya naman siguro 5% ng damit ko galing sa kanya, at 10% ng gamit namin dito sa bahay ay galing din sa kanya. Oo, kasama na doon 'yung ref namin na regalo niya sa nanay at tatay ko noong kinasal sila. At oo, mas matanda sa akin 'yung ref na 'yun. Hahahahaha! (Wow, kailangan ko palang galangin 'yung ref na un)

So, may dumating na package galing sa kanila. Ulit. Hahaha! At isa nanaman akong masayang bata. Alam niyo 'yun! 'Yung parang batang nakakita ng lifetime supply ng candy? Hahahaha!

WEEEEEEEE! FREE STUFF!!!

Nahalbat item number one:

 Salamat sa Ninja Moves ni Inay, nakita niya itong... Hindi ko alam 'yung tawag.. FAIL! 'Yung ano, bagay na pang-icing sa cake, cupcakes.. hahaha! At salamat dito, matutupad na rin ang mga pangarap koooooo! :') Senyales ba 'to na kelangan ko ng mag shift kahit na isang sem nalang ay ggraduate na ako? (sana) JOKE LANG! hahaha! 








Nahalbat item number two:

 PURE, 100% REAL VANILLA EXTRACT! AMPS! Grabe ang saya ko kanina. Dude! Totoo siyaaaaaa! Hindi lang siya flavoring!!!!! Wahahahahaha! Tas ang laki pa niya, lol! (Isa nanaman ba 'tong senyales na kelangan ko na talagang mag shift at i-pursue ang mga pangarap ko sa buhay? hahahaha!)














Nahalbat item number three:

 Isang bracelet na galing yata sa... Egypt? Ewan ko, basta nag-tour kasi 'yung mapagbigay kong tita eh, so ayun, isa rin kasi siyang gastador kaya siguro siya napabili ng bracelet na 'to. Diba ang cool? Muka akong babae kapag suot ko 'to! Wahahahahahaha!









Nahalbat item number four:


Isang t-shirt. At, AT, ITO HAH, perfect fit! :') Grabe, hindi ako mukang hanger kapag suot ko siya. I love the colors, i love the colors ulit, tas i love the colors talaga! Lol. Eeeeeh, mahilig kasi ako sa t-shirt, kaso, 'yung problema ng mga payatot na mejo matangakad, ay, sakto 'yung length kaso, 'yung width nung shirt ay hindi sakto. Hahaha! Or, sakto ung length at width kaso 'yung length nung sleeves ay hindi sakto. Ganun. Kaya itong shirt na 'to, siguro every week kong susuotin, tas dadating nanaman sa point kung saan pagsasabihan ako ni mama ko na hindi ko nanaman pinapansin 'yung iba kong damit. hahaha


 Nahalbat item number five:


Oo, noong nakita ko 'to, sobrang saya ko, mas masaya pa doon sa reaction ko noong nakita ko 'yung vanilla extract. WAHAHAHAHAHA! Eeeeeeh.. Basta, ilabit. Haylabit! Pagbigyan niyo na ako, minsan lang ako mag freak out kapag nakakakita ng bag.. Wahahahaha! Girly moments ko 'to, 'wag kayong kontra, paminsan minsan lang 'to.. hahahaha!


Sunday, September 22, 2013

Tambay

Masayang kasama 'yung mga kaibigan mo, pero mas masayang kasama 'yung mga kaibigan na parehas kayo ng pinapaniwalaan sa buhay. ^_^ Marami-rami akong natutunan ngayong araw na 'to. :) 'Yung may kakilala ka palang super hero noon at tagapagmana ng isang bakahan, lol. 'Yung kaya ko naman palang makisama sa mga tao na mas bata sa akin, hahahaha! ^____^




Sunday, September 15, 2013

Good Morning!

Hindi talaga ako morning person. Tuwing umaga, ang lakas ng gravitational pull ng bed ko. Nakakatamad bumangon. Ang sarap magkulubong at yakapin 'yung unan mo, lalo na kung ang lamig-lamig. (Opo, taga Baguio kasi ako. hahaha!) Pero ayun nga, bawat morning, blessing ni Lord, kasi buhay ka pa! Hahahaha! At siyempre, mas ginaganahan ako dahil sa view na nakikita ko sa likod bahay namin. ^_^ Mapapanganga ka nalang minsan, ang galing kasi ni God. :)


Bagong Buhay

Obvious naman sa title. Hahahaha! For the past years (oo, plural talaga) kasi, hindi ko napapansin, na I'm struggling with my walk with God, until one day, nagising nalang ako sa katotohanan. 'Yung tipong wake up call na malupit! 'Yung basta, parang biglang nahampas ka. Hindi ko ma-explain eh. At ayun, doon ko na-realize na isa talaga akong makasalanang nilalang, at sa hell lang talaga dapat ang destination ko.  'Yung maiiisip mo na, nakayanan mong gawin 'yung mga kasalanan na 'yun knowing na may Diyos na nakaka-alam ng lahat ng mga pinag gagagawa mo. Tapos, 'yung Diyos na 'yun ay Holy, ayaw niya sa kasalanan, it does not please Him. Napaisip tuloy ako..

"ANONG GINAGAWA KO SA BUHAY KO? TAMA BA 'TO?"

 Oo parang hampas sa muka 'yan. Parang napana ka ng madaming madaming beses, 'yung tipong tagos talaga. At ayun, napaiyak nalang ako. Biglaan dude! Nandiri sa sarili ako. At napaluhod. Humingi ng tawad sa Diyos. Isa akong makasalanang nilalang, at hindi ko deserve 'yung pagmamahal at pagpapatawad Niya. Pero, mapagmahal na Diyos si God eh. Naalala ko na, bumababa dito si Jesus Christ, para mamatay sa mga kasalanan natin. (Oh sige, ikaw, iaalay mo ba 'yung buhay mo para sa taong kung laiitin at awayin ka ay wagas?) Doon ko na-realize na, wagas talaga 'yung pagmamahal ni Lord. As in. Sobra. At doon ko na realize na... since Jesus died for me, I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I now live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me. (Galatians 2:20) Oras na para i-give up ang mga bagay na hindi pleasing kay Lord. OO MAHIRAP, MAHIRAP TALAGA, pero nandiyan naman si Lord para gabayan ako at bigyan ng lakas ng loob. Hindi niya ako iiwan sa ere. Tatapusin niya kung ano ang sinimulan niya sa buhay ko. Ito na, ipupush ko na talaga 'to. hahahaha! ^_^