Ammm... Meron na kasi akong ginawang blog noon, kaso, kanina lang, hindi ko na siya mabuksan? Ewan ko... Nangangain ng tanga eh, at ako ay nakain... wahahahaha... nandito ung 3 kong post or 4 ata un:
walangmagawasiraisa.blogspot.com
Eh, hindi ko na alam 'yung gagawin ko kaya naisipan ko nalang gumawa ng bago... :D masipag ako eh...
Ito, kuha 'to doon sa likod ng bahay namin... :) nakatira kasi ako sa bundok, kaya malamang, bundok din 'yung makikita ko sa likod ng bahay namin.. hahahaha... Bata palang kasi ako, gusto ko na talagang kuhanan ng picture 'yung sunrise, kaso, wala kaming matinong camera, PERO, isang araw, nagkaroon ako ng digital camera (oo, digital camera lang, hindi ako mayaman eh.. hahaha) tapos... ayun! sa wakas, na picturan ko na din!! ^_^
Isang araw, may pinuntahan kaming lugar... hahahaha... sakto, dala ko 'yung camera ko... tapos sabi ko sa sarili ko, "UY! ANG GANDA NAMAN NUNG FLOWER!! PICTURAN KO NGA!!!" tapos nung pipindutin ko na sana 'yung "capture button" umeksena si bubuyog... ayun! perfect timing!!! nataranta pa ako eh, takot ako sa mga lumilipad na insekto... tapos ayun!!! *click* feeling photographer nanaman.. hahahaha